FULL-SUPPORT si Allona Amor sa panganay niyang anak na si Nash Tillah sa pagsabak sa mundo ng showbiz. Ang 15-year old na guwapitong binatilyo ay nagsisimula ngayon bilang model/singer na kamakailan ay nagpakitang gilas sa show nilang Grand Music Palace Philippines’ recital na ginanap saTeatrino, Greenhills.
Ayon kay Allona, bata pa lang ay kinakitaan na niya ng potensiyal ang kanyang anak. “Five years old po or six, sumasali na siya sa SM Little Stars, finalist lang po siya; Kiddie Stars, grand finalist; Sta. Lucia Little Stars, grand finalist din po kasama niya noon sina Xyriel Manabat, Ataska, at sa Riverbank Little Stars-1st runner-up po.
“Marami na po siyang nasalihan that time na nakitaan ko ng potential sa pagkanta, sa pagsayaw. Dahil po sa school nila siya ang napipiling kumanta sa simbahan lalo na ‘pag may first communion, then kinukuha siya ng choir sa school nila. Then ‘pag may event sa school, siya rin po ang napipili na panlaban ng class ‘pag may singing contest. Nanalo po siyang first runner-up.
“Akala ko nga po noong bata siya, politics ang tatahakin niya kasi noong bata siya, gusto raw niyang maging presidente ng Filipinas, aayusin daw niya ang problema ng Filipinas. Matured po kasi siya noong bata pa siya,” panimula ng aktres.
Okay lang ba sa iyo na pumasok siya sa showbiz?
Sagot ni Allona, “Actually tito ang gusto ko talaga sa kanya ay TV commercial, print ads… ‘di ko po priorty ang pumasok siya sa mundo ko, ang showbiz. Pero ‘yun po ang gusto niya, sabi niya sa akin, ‘Mama pangako ko sa iyo magigng artista ako at sisikat ako.’ Hindi ko naman po sineseryoso kasi sabi ko kung ipagkakaloob ng Panginoon okay lang po, kung hindi naman, okay lang din po.
“Sa ngayon po support lang ako sa gusto niya and ayaw kong harangin ang pangarap niya. Basta sabi ko, i-enjoy lang niya pati ‘yung learnings along the way sa buhay niya. Basta po lagi ako susuporta sa gusto niya as long as maganda at maayos kung saan siya mapapabuti at magiging masaya. Nandito lang po ako lagi sa tabi niya, nai-enrol ko na po siya sa voice lesson kay Vehnee Saturno, pero after ng session niya roon, lumipat kami kay coach Ryan Regala Manal ng Grand Music Palace. Sila po ang nag-organize ng concert nila sa Teatrino.
“Sobrang nag-enjoy si Nash sa group, lahat po friend niya at nailabas niya talaga rito ang talent niya sa pagkanta, lalong na-enhance po. ‘Yun po kasi ang gusto ni Nash, mala-High School Musical,” saad ni Allona.
Mapapanood si Nash sa Voices of July na gaganapin sa Music Box, Timog, Quezon City sa July 15, 2018, Sunday, 8pm. Mula sa direksiyon ni katotong Throy Catan. Ang iba pang magpe-perform dito ay sina Tori Garcia, Mavi Lozano, Andrew Gan, Anthony Rosaldo, Josh Yape, Ara Altamira, Maricar Aragon, Eric Constantino, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, at Jennelyn Gagajena.
For Tickets para sa show na Voices of July, pls. call 09158507388 (02)5031309.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio