Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vilma, Sharon, ‘di kabilang sa ICON awardees ng Eddys

KAPANSIN-PANSIN na hindi kasama sina Vilma Santos at Sharon Cuneta sa mga pararangalan bilang Icon Awardees ng The Eddys (ng grupong SPEEd), na ang awards night ay gaganapin sa Lunes, July 9.

Bakit nga ba?

Kung hihingan kami ng opinyon, may kanya-kanyang pamantayan ang bawat award-giving body. Kung sa listahan ng mga nominado nga, iba-iba ang panlasa nga mga ito. Take the case of Famas na sa Best Supporting Actor nominees’ list bumagsak si Aga Muhlach (para sa pelikulang Seven Sundays).

Kung sa talaan ng mga nominado’y nag-iiba ang selection process, pagdating sa mga winner pa kaya?

Kung kilala namin ang mga diehard Vilmanian ay iisa lang tiyak ang kanilang itatanong: bakit inisnab ang idol naman, eh, ‘di hamak namang mas iconic si Ate Vi kaysa kay Maricel Soriano?

At parang nakasanayan na kasi ang hindi mamatay-matay na professional rivalry kina Ate Vi at Nora Aunor. Hence, ang isa pang tanong tiyak ng mga Vilmanian: bakit hindi isinama si Ate Vi samantalang kakontemporaryo niya si Nora?

Kung mapapansin din kasi, ang mga tinaguriang Movie Queens ang Icon Awardees tulad nina Susan Roces at Gloria Romero. Dapat din daw ay kasama si Ate Vi who’s also a Movie Queen herself.

Again, gusto naming igalang ang The Eddys. Mayroon silang set of criteria na siguro naman ay hindi na lang kailangan pang ianunsiyo o ipaliwanag sa publiko.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …