Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Pig na pig’ ang peg ng PCOO?!

NAKAPANLILIIT na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang napagsasabihan na ‘patay-gutom’ at team habhab.

Ibig sabihin ng habhab sa Tagalog ay lamon.

Ang lamon ay hindi magalang na pagtukoy sa salitang ‘kain.’

Ito ay pang-uuyam at panlalait na ang ibig sabihin ay ‘glutony’ o katakawan — isa sa mga itinuturing na seven deadly sins.

Sinabi ito ng isang beteranong mamamahayag sa Davao patungkol sa aniya’y korupsiyon ng mga ‘bata-bata’ ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Anang Davao-based journalist na si Edith Caduaya patungkol kay Andanar: “Your finance people drink all they can – hahaha ‘morning the night’ with unlimited budget meals ang resibo!”

Sinabi ito ni Caduaya kay Andanar sa kanyang post sa kanyang Facebook account.

Hindi siguro ‘mapapansin’ ang ‘habhab’ ng mga bata-bata ni Andanar kung maayos silang magtrabaho.

Pero naging mainit sila sa mata ng publiko dahil sa sunod-sunod at nakahihiyang kapalpakan.

Sinabi ni Caduaya, naganap ang mga kapalpakan sa PCOO habang namamasyal si Andanar sa Suriago at Siargao at nagpa­pasasa sa unlimited crabs.

“No to disinformation, no to misinformation! But look! Which office spread the wrong information. It is your own desk!” anang mamama­hayag sa kanyang post.

Ilan sa mga kapalpakang ito ang maling grammar sa ID ng Malacañang Press Corps, ang maling caption na inilathala sa social media ng PCOO gaya ng Rogelio Golez imbes Roilo Golez, Norwegia imbes Norway at Winston Gatchalian imbes Sherwin Gatchalian.

“Remember… the ID bruhaha, the Rogelio Golez, the Norwegia, the Winston Gatchalian. It all happened while you explore the wonders of Surigao and Siargao, with the Diving adventure, and the crabs unlimited,” sabi ni Caduaya.

Dagdag ni Caduaya, “You have non-working usec and asec! Receiving salaries… this is a shit thing!” dagdag niya.

“Ayaw ninyo pakaulawi si Mayor Digong!”

Ibig sabihin, huwag daw ninyong bigyan ng kahihiyan ang Pangulo.

E kasi nga naman, supposedly ang PCOO ang gagawa ng paraan para maitampok na positibo ang imahen ng Pangulo.

Pero ang nangyayari, sa kanila pa  nagmumula ang ‘kahihiyan’ ng Pangulo.

Hindi na nga makatulong ang PCOO sa sunod-sunod na negatibong kritisismo laban kay Pangulong Duterte, nagdadagdag pa sila ng kahihiyan at kapalpakan.

Secretary Andanar, hello! Naiintindihan mo pa ba ang trabaho mo?!

Nasaan na ang mga ‘bata-bata’ mong maga­galing?!

Nabundat na ba ang mga tiyan at bumigat na ang bulsa kaya hindi na nagtatrabaho?!

Hindi nakapagtataka na tuwing haharap sa publiko si Secretary Andanar ay parang mulagat at gulat. Parang walang malay o walang alam sa mga nangyayari sa kanyang tanggapan.

Anyaree, Mr. Andanar?!

OVERSTAYING
NA EX-OFFICIO
SA QC COUNCIL

BAKIT hanggang ngayon nga naman ay nanatili sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City ang pangulo ng Liga ng mga Barangay na si Ricardo Corpuz bilang konsehal sa lokal na pamahalaan?!

Ayon sa isang grupo ng mga kawani na ayaw magpabanggit ng pangalan, sa takot na sila ay kastigohin ng opisina ng bise-alkalde, dapat nang alisin sa pagiging konsehal si Corpuz sapagkat nagtapos na ang kanyang termino noon pang 2016 bilang ex-officio council member na ipinagkaloob ng batas sa ilalim ng Local Government Code of 1991.

Alinsunod sa Section 494 hinggil sa ex-officio membership sa Sanggunian, “The duly elected presidents of the Liga at the municipal, city and provincial levels, including the component cities and municipalities of Metropolitan Manila, shall serve as ex-officio members of the sangguniang bayan, sangguniang panlungsod and sanggu­niang panlala­wigan, respectively. They shall serve as such only during their term of office as presidents of the liga chapters, which in no case shall be beyond the term of office of the sang­guniang concerned.”

Pero iba umano si Corpuz, hanggang ngayon ex-officio member pa rin siya ng Quezon City.

Dapat umano, noong 2016 ay hindi na hinayaan ni Vice Mayor Joy Belmonte na makaupo si Corpuz sa konseho.

Dahil maliwanag at matibay na sinasabi ng Local Government Code o Republic Act No. 7160 na hindi maaaring palawigin ang termino ng isang pangulo ng Liga ng mga Barangay na makaupo bilang konsehal.

Nauna nang umupo si Corpuz sa konseho noong 2013 nang siya ay maihalal bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod Quezon.

Pero hanggang sa kasalukuyan nga, siya ay nakaupo bilang ex-officio.

Ayon sa ilang legal expert, may pananagutan kapwa si Corpuz at maging ang bise-alkalde bilang presiding officer ng konseho.

Paano na ‘yan, Vice Mayor Joy Belmonte?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *