Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sharon Cuneta Chet Cuneta

Pagbabalik ng Cuneta sa Pasay, kaabang-abang

NAGPAREHISTRO bilang voter si Cesar o Chet Cuneta, kuya ni Sharon Cuneta, na balitang tatakbo sa pagka-mayor ng Pasay City sa 2019 (national at) local elections.

Para sa impormasyon ng marami, si Chet ay kamag-aral ng inyong lingkod sa Sta. Clara Parish School, isang exclusive school for boys.

That time ay mayor na ang kanyang amang si Pablo Cuneta at nagsisimula pa lang ang singing/recording career si Sharon.

Mahigit tatlong dekada ring nagtrabaho bilang piloto (captain sa Cebu Pacific) si Chet na handa niyang iwan kapalit ng tawag ng paglilingkod.

Ang alam namin dati—bago ang 2000—ang matunog na tatakbong mayor sa nasabing lungsod ay si Sharon mismo. For some reason ay hindi ito natuloy.

Minsan nang tumakbo si Chet bilang city councilor ng Pasay City pero hindi pinalad. Baka hindi pa hinog ang panahon niya noong time na ‘yon.

Sa kanyang pagtakbong mayor (45 days ang duration ng campaign period sa local level), naiimadyin na naming masaya ang bawat campaign sortie ni Chet at ng mga bumubuo ng kanyang tiket.

Dahil maka-kuya si Sharon, siyempre, isasantabi niya muna ang kanyang mga showbiz commitment bilang pagsuporta sa kanyang kapatid. Abangan ang pagbabalik ng Cuneta sa Pasay politics? Why not?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …