Monday , December 23 2024
QC quezon city

Overstaying na ex-officio sa QC council

BAKIT hanggang ngayon nga naman ay nanatili sa Sangguniang Panglungsod ng Quezon City ang pangulo ng Liga ng mga Barangay na si Ricardo Corpuz bilang konsehal sa lokal na pamahalaan?!

Ayon sa isang grupo ng mga kawani na ayaw magpabanggit ng pangalan, sa takot na sila ay kastigohin ng opisina ng bise-alkalde, dapat nang alisin sa pagiging konsehal si Corpuz sapagkat nagtapos na ang kanyang termino noon pang 2016 bilang ex-officio council member na ipinagkaloob ng batas sa ilalim ng Local Government Code of 1991.

Alinsunod sa Section 494 hinggil sa ex-officio membership sa Sanggunian, “The duly elected presidents of the Liga at the municipal, city and provincial levels, including the component cities and municipalities of Metropolitan Manila, shall serve as ex-officio members of the sangguniang bayan, sangguniang panlungsod and sanggu­niang panlala­wigan, respectively. They shall serve as such only during their term of office as presidents of the liga chapters, which in no case shall be beyond the term of office of the sang­guniang concerned.”

Pero iba umano si Corpuz, hanggang ngayon ex-officio member pa rin siya ng Quezon City.

Dapat umano, noong 2016 ay hindi na hinayaan ni Vice Mayor Joy Belmonte na makaupo si Corpuz sa konseho.

Dahil maliwanag at matibay na sinasabi ng Local Government Code o Republic Act No. 7160 na hindi maaaring palawigin ang termino ng isang pangulo ng Liga ng mga Barangay na makaupo bilang konsehal.

Nauna nang umupo si Corpuz sa konseho noong 2013 nang siya ay maihalal bilang pangulo ng Liga ng mga Barangay sa Lungsod Quezon.

Pero hanggang sa kasalukuyan nga, siya ay nakaupo bilang ex-officio.

Ayon sa ilang legal expert, may pananagutan kapwa si Corpuz at maging ang bise-alkalde bilang presiding officer ng konseho.

Paano na ‘yan, Vice Mayor Joy Belmonte?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *