Friday , December 27 2024

Single-use plastics sa fastfoods ‘ibasura’ nang tuluyan

DUMATING na tayo sa panahon, na kailangan na talagang wakasan ang tinatawag na single-use plastics sa lahat ng commercial establish­ments lalo sa mga fastfood chain.

Kung sino pa ‘yung mga fastfood na napa­ka­lakas kumita at tinatangklilik ng publiko, sila pa ang hindi nagmamahal sa kapaligiran.

Kahit sa loob mismo ng fastfood kumain ang customer, isinisilbi sa plastic o styropor maging ang kubyertos na ginagamit ay gawa sa plastic.

Ang baso plastic na nga, lalagyan pa ng plastic na straw.

Siyempre, isang beses lang gagamitin ‘yan. Itatapon na sa basurahan.

‘Yung mga basura hindi naman lahat nada­dala sa tamang tapunan marami riyan sa ilog ang deretso o kaya sa Manila Bay buma­bagsak.

Kaya nagtataka pa ba tayo kung bakit kaunting ulan lang, grabe na ang bahang nararanasan?!

Piling-pili ang food establishments na gumagamit ng papel o recyclable materials sa kanilang mga take home counters.

Gaya ng Subway, Aristocrat, Mary Grace at iba pa.

Sa Subway kung hindi magte-takeout, ibabalot ang sandwich sa wax paper at ang kanilang drinks ay sa paper cup isinisilbi.

Hindi ba kayang gawin ‘yan ng Jollibee, McDo at iba pang food establishments?!

Makiisa po tayo sa EcoWaste Coalition sa ka­ni­lang panawagan na tumulong tayong i-ban ang paggamit ng mga styropor, plastic cups, spoons and forks dahil hindi ito makatutulong para luminis ang ating baybayin gayondin ang hangin na ating nasisinghap.

Kung hindi magkakaisa ang mga mamama­yan, malamang pagkitaan pa ‘yan ng mga bulok na government officials at kung ano-anong machine kuno na kakain sa basurang plastic ang ipabili sa ating mga taxpayer.

Ibasura ang mga plastic!

Ibasura ang mga pekeng makina na kakain kuno ng plastic at basura!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *