Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo

BINARA ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng kanyang social media post ang report ng isang on line newspaper tungkol sa tsismis na pinabinyagan daw sa mismong ospital ang anak nila ni Ellen Adarna. Ang usapan nga, bakit sasabihin ni John Lloyd na bininyagan na ang anak nila ni Ellen eh ni hindi nga nila inaamin na buntis iyon.

Iyon namang report na iyon, galing lang sa mga tsimoso na nag-uusap sa internet na nagsasabing nanganak na nga si Ellen noon pang June 27, at tapos pinabinyagan agad iyong bata roon mismo sa kanyang kuwarto sa ospital. May karugtong pa iyong tsismis na iyon. Wala si John Lloyd noong binyagan ang anak nila ni Ellen. Puwede ba naman iyon?

Isipin ninyo, si John Lloyd tinalikuran ang kanyang career dahil sa nangyari sa kanila ni Ellen, tapos kung totoo ngang nanganak na iyon at bibinyagan, papayag ba siyang wala siya? Puwedeng mangyari pero parang kakatuwa naman ang ganoon.

Tingnan ninyo iyong isa pa, si JC de Vera, kung sa bagay hindi naman siya ganoon kasikat kaya hindi masyadong napag-usapan, pero naglihim din. Noong may anak na, inilabas din niya ang anak niya. Sa kaso niya nangyari naman iyon nang walang nakapansin eh, hindi naman kasi sinusundan ng tao ang buhay niya na kagaya ni John Lloyd.

Tingnan din ninyo si James Yap, at ang girlfriend niyang si Michela Cazzola, pati na iyong pati unang pagkikita ng kanilang panganay na si MJ at ng bagong panganak na si Francesa Michelle ay ibinabalita nila sa lahat. Kasi talagang nakatutuwa naman ang ganyan na ipagmalaki mo ang iyong anak.

Kaya naniniwala kami sa isang araw, magugulat na lang kayo at ilalabas din niyang si John Lloyd ang anak niya kay Ellen. Huwag ninyong puwersahing ilabas na ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ahtisa Manalo GMA7 Sparkle

Ahtisa Manalo pumirma na sa GMA

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMIRMA na sa Sparkle Artist ng management contract si Ahtisa Manalo kayainaasahang hahakot ito ng viewers …

Jean Garcia

Jean Garcia kaagapay ng RDR Prod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INANUNSIYO ng RDR Productions, gumagawa ng mga film, socmed stories, at ilan pang …

Ron Angeles

Ron Angeles bukod tanging tahimik kaugnay ng ‘eskandalo’ 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BUKOD tanging si Ron Angeles na lang among the “big four” na nasangkot …

Arron Villaflor

Arron Villaflor nagsalita ukol sa leaked video, nagpakalat kakasuhan

HARD TALKni Pilar Mateo NAGSALITA na sa kanyang Instagram account ang aktor na si Arron Villaflor hinggil sa sinasabing  …

Paulo Avelino Nadine Lustre

Paulo at Nadine magtatambal sa isang malaking proyekto 

MATABILni John Fontanilla AFTER Alden Richards ang Kapamilya actor namang si Paulo Avelino ang makakasama ni Nadine Lustre sa isang malaking …