TUWANG-TUWA si Jolo Revilla na magampanan ang role ni Emilio Aguinaldo. Kasi kinikilala nga nilang bayani si Aguinaldo sa Cavite. Binalak din ng tatay niyang si Bong Revilla na gawin ang biopic ni Aguinaldo. Kaya nga noong ikasal silang dalawa ni Lani Mercado, ganoon ang motif, parang turn of the century bilang paghahanda na rin sa pelikula. Pero hindi rin niya iyon itinuloy.
Aba eh malabo, dahil noong mga panahong iyon nagiging issue na naman ang pagpatay kay Andres Bonifacio, at ngayon nga hindi ba lumabas pa ang sulat ni Aling Oryang kung paano nila dinaya si Bonifacio sa kumbensiyon sa Tejeros? Lumalabas din na hindi totoo ang independence day na ipinroklama ni Aguinaldo noong 1898, dahil hindi naman niya naagaw ang bansa sa mga dayuhan, sa halip ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa Amerika. Eh ano ang sasabihin mo tungkol kay Aguinaldo?
Naunahan na rin siya ng pelikula ni Antonio Luna. Hindi ba iyong unang Aguinaldo movie na ginawa ni ER Ejercito nangamote na sa takilya? Sino pa ang susunod?
HATAWAN
ni Ed de Leon