Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andi Eigenmann, hanga sa propesyonalismo ni Matt Evans

AMINADO si Andi Eigenmann na nagkailangan sila ni Matt Evans sa ginawang love scene para sa pelikulang The Maid in London ni Direk Danni Ugali. Bagong tambalan sina Andi at Matt sa pelikulang ito na guma­ganap bilang mag-asawa.

Bale, katatapos lang ng teleseryeng The Greatest Love nang nag-shooting sila ng pelikulang ito, kaya naman na­banggit ni Andi na nagka­ilangan sila ni Matt dahil sa nasabing TV series ng Dos ay magka­patid ang naging papel nila.

“Of course ay nailang po ako, kahit naman po sino iyan ay maiilang ka, kasi love scene siya. Pero Matt and I are also like brothers and sisters… ang tawagan namin sa isa’t isa ay kapatid,” saad ni Andi.

Nagpahayag din ng paghanga si Andi kay Matt sa professionalism ng huli. “Yes nakaiilang po ‘yung love scene namin ni Matt, pero pro­fes­sional po siya which is why everything became easier for me to do,” anang aktres.

Dagdag ni Andi, “Magaling pong actor si Matt, isa po siya sa hinahangaan ko sa generation namin. Because he is so hard­working and he is so always focus on his work.”

Ang pelikula ay tumatal­akay sa mga TNT o tago nang tago sa London at isa nga rito si Margo (Andi), isang mapagmahal na anak na handang gawin ang lahat para sa magandang kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos na ang kanyang mga pangarap sa buhay ay mawasak ng lalaking kanyang minamahal.

Nagkuwento si Andi ng kanyang role sa pelikulang ito. “My role in the movie is si Margo, isa pong tindera sa palengke na gustong tulungan ang kanyang pamilya para mas gumanda at mapasarap kahit paano ang buhay niya at ng kanyang pamilya. So, she was offered an opportunity to go to London and work there as an OFW pero TNT. So, malalaman natin ‘yung story of Margo and what happens to her when she builds a new life there,” saad ni Andi.

Ang “The Maid in London” ay mapapanood na ngayon (July 4) sa mga sinehan. Ito’y sa screenplay ni Direk Danni at base sa librong Tago ng Tago ni BL Panganiban. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Jurado, Joshua de Guzman, Alexis Navarro, at iba pa. Ito’y mula sa Cinemanila.UK at Viva Films, ang producers ay sina BL Panga­niban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …