Monday , December 23 2024

Comelec registration na naman?! Voters’ ID nasaan na?

KAHAPON, opisyal na bukas na naman ang tinatawag ng Commission on Elections (Comelec) na continuing registration of voters.

Bukas daw ito, mula kahapon, 2 Hulyo hanggang 29 Setyembre 2018, para sa May 13, 2019 national and local elections.

Parang gusto nating bumilib sa walang humpay na pagganap sa tungkulin ng Comelec para sa pagpaparehistro ng mga botante.

At isa sa ipinagtataka natin sa sistemang ito, parang hindi nauubos ang mga nagpaparehistro. Talaga bang ganyan karami ang mga hindi pa rehistradong botante sa Filipinas?

Wattafak!?

Heto pa ang isa, kung gaano kasipag magbukas ng rehistrasyon ang Comelec, siya namang kupad na parang pagong mag-isyu ng voters’ ID.

Ay mali!

Hindi lang pala makupad, mas tama palang sabihin na parang wala nang balak mag-isyu ng voters’ ID ang Comelec.

Ano sa palagay ninyo, Comelec Information Director James ‘balbas’ Jimenez? May balak pa ba ang mga bossing ninyo na ilabas ang voters’ ID ng mga botante!?

Ilang elections na ang nagdaan pero hanggang ngayon…nganga pa rin kayo?!

‘Taragis!

Ang tagal naman ng intervals ng mga eleksiyon, lalo na ‘yung barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections na ilang beses nabinbin pero hind pa rin naasikaso ng Comelec ang voters ID.

Ano ba talaga ang nangyari riyan sa voters’ ID?!

‘Yung budget na nakalaan diyan, saan na napunta?! Baka naman nagkanya-kanyang ID ‘este bulsa na kayo?!

Kung hindi na kayo magbibigay ng voters’ ID, aba ‘e magdeklara kayo, para nang sa ganoon, kaming mga botante na lang ang magpagawa ng sariling ID namin.

E kasi naman, parang ayaw na ninyong mag-isyu ng voters’ ID.

Director James, palagay natin ‘e panahon na para magdeklara kayo — may lalabas pa bang VOTER’s ID, o WALA na?!

Hihintayin po namin ang sagot ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *