Monday , December 23 2024

Sino ang nagpatakas kay Lee Kwang Rae!?

TATLUMPONG (30) immigration officers daw sa NAIA Terminal 3 ang ngayon ay sumasailalim sa masusing imbestigasyon kaugnay sa pagpa­patakas umano sa isang Korean fugitive noong May 23, 2018.

Si Korean Lee Kwang Rae, 68 anyos, isang pugante sa Korea na may kasong Violation of Article 246 (Criminal Act of Gambling and Habitual Gambling). May kasalukuyan siyang warrant of arrest base sa impormasyon ng Korean consulate sa Cebu City.

Dumating sa Filipinas noong February 26, 2009 sa Mactan Cebu International Airport ang na­turang Koreano at nagkaroon ng Special Retirees Resident Visa.

Base sa nakalap nating ulat, nagbayad umano ng P5 milyon sa hindi pa nakikilalang taga-immigration sa NAIA ang Koreano at na­gawa niyang makalusot at makadaan sa Immigration departure counter ng walang hassle.

Sonabagan!!!

Hindi ba may mga CCTV camera naman ang bawat immigration counter sa likod mismo ng mga Immigration Officer kaya bakit hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang dinaanan nitong counter?

Natutulog ba sa pansitan ang mga taga-Bureau of Immigration National Operations Center (BINOC) kaya walang maibigay na CCTV footage?

Magkano ‘este sino ba ang immigration officers na naka-duty noong araw na pinalusot si Lee!?

May mga lumalabas din na balita na isang dating very close umano sa isang mataas na opisyal ng ahensiya ang nag-facilitate ng nasabing transaksiyon?

WTF!?

Panigurado na hindi iisang tao ang nagtra­baho n’yan!

Sa ngayon ay nag-request na raw ang pamunuan ng BI-Ports Operations Division kay BI Commissioner Jaime Morente para sa kopya ng CCTV upang malaman king sino ang magka­kasabwat at mismong mastermind ng nasabing anomaly.

Napakasuwerte naman kung sakaling hindi nga nabisto ang trabaho ng  pasaway na ‘yan sa airport!

Para siyang nakatagpo ng isang “jewel” na nakatago noong mga panahong iyun.

Malas nga lang kapag na-identify siya!

Pera na naging bato pa!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *