Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtanaw ng utang na loob ni Alden, puring-puri ni Mayor Dan

MAYOR ng Sta. Rosa City sa Laguna ang aktor na si Dan Fernandez at isa sa mga residente ng Sta. Rosa si Alden Richards.

Kaya naman very proud si Mayor Dan sa mga accomplishment at achievements ni Alden!

”We’re proud of him! Kasi siyempre tagarito siya at saka kapag uma-attend siya ng mga event namin, laging libre!

“Hindi siya nagpapabayad dito sa Sta. Rosa!”

Malapit din si Alden sa pamilya ng mga Arcillas, Congresswoman Arlene Arcillas na noong hindi pa gaanong sikat si Alden ay Mayora ng Sta. Rosa, bago ito ay naging mayor din ng Sta. Rosa ang ama ni Congresswoman Arlene.

“So ‘pag dito siya talaga, it’s always for free.

“And we are very thankful at siyempre naalagaan din siya ni Congresswoman Arlene at saka ni Mommy Ofie (ina ni Congresswoman Arlene).

“Marunong tumanaw ng utang na loob ‘yung bata and that’s one thing na I’m proud of him.

“Dahil nga siyempre parang alam mo, ‘yung ibang kabataan minsan, parang hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

“Si Alden, marunong siyang tumanaw ng utang na loob.”

Kahit pagod at puyat si Alden pero nahilingan nila na pumunta sa isang event nila sa Sta. Rosa ay dumarating ito.

“Kahit 7:00 a.m., andito na ‘yun, pumaparada na ‘yun!

“At saka nag-i-stay siya ng matagal. At saka any event na iniimbitahan namin siya pumupunta siya.

“Hindi siya nagbago.

“Basically ano siya, mabait talaga ‘yung bata.”

Kaya ngayon pa lamang ay nagdedeklara na si Mayor Dan ng suporta sa upcoming Primetime series/family drama/action-fantasy show ni Alden sa GMA, ang Victor Magtanggol.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …