DAHIL endorser si Marian Rivera ng Hana Shampoo ay maipagmamalaki niya na kahit buong araw, mula umaga hanggang gabi, fresh at mabango ang buhok niya!
Natutuwa nga si Marian dahil tagline na ngayon na kapag sinabing ”amoy-Marian” ang buhok, ibig sabihin ay mabango at fresh. Na kapag gumamait ng naturang shampoo, kahit mausukan at pagpawisan ang buhok ay mabango at fresh ang buhok buong araw.
“Hindi ako nag-eendoso ng produkto na hindi ko ginagamit at hindi ako naniniwala.”
At siyempre, dahil lagi siyang mabango, given na rin na ang mister niyang si Dingdong Dantes ay palagi ring mabango.
“Dapat! Siyempre hindi ko naman pababayaan ang asawa ko. Kung fresh ako mula umaga hanggang gabi, dapat siya rin. I-extend ko na rin sa anak ko.”
Kahit nga ang anak niyang si Zia ay gumagamit niyong shampoo niya kaya laging fresh at mabango ang mag-ina.
Sa LiveCon ni Marian (June 28) sa Manila House Private Members Club sa BGC ay dumalo ang socialite na siTessa Prieto-Valdes at hindi ito nag-atubiling umakyat sa stage at magpa-picture kasama si Marian.
“I soooo love this girl! Kapag may picture ako with you, tumataas ang (Instagram) followers ko,” bulalas pa ni Miss Valdes.
At sa tanong ni Tessa kay Marian kung ang sikreto ba niya kaya lagi siyang maganda ay dahil sa love, inamin naman ito ng aktres.
Tinanong din ni Tessa kung kailan masusundan si Baby Zia.
“To be honest? Working on it,” ang bulalas ni Marian. ”I hope mayroon na,” ang tumatawang sinabi pa ni Marian.
Tinanong naman si Marian kung ano ang nais niya na maging kapatid ni Zia, boy or girl?
“Actually tuwing tinatanong ako, ‘Ano ang next na gusto mong anak?’ Ang palagi kong sagot, kahit ano, basta healthy. Pero siyempre given a chance, kung makahihirit lang, gusto ko naman boy kasi I have Zia na, eh.
“Para may boy naman ako, pero kung girl okay pa rin.”
Dahil napakagandang bata ni Zia, curious din si Marian na makita kung ano ang magiging hitsura ng anak nila ni Dingdong kapag lalaki ito.
“So… so ‘yun, any, girl or boy, any.”
Samantala, bongga rin ang negosyo ni Marian na Flora Vida dahil sa Japan pa siya nag-aral kung paano magdisenyo at mag-preserve ng mga bulaklak.
“Ayoko namang gamitin ‘yung salitang nag-aral kasi ilang araw lang naman, hindi naman as in pag-aaral na buwan o taon ang ginawa ko,” pahayag ng GMA Primetime Queen.
Kakaiba ang mga bulaklak ni Marian dahil hindi ito nalalanta kahit abutin pa ng dalawa hanggang tatlong taon.
“At siguro kasi ang asawa ko, talagang pinush ako, sabi niya kung talagang ito ang passion ko bakit hindi ko gawin.”
Kung passion ni Marian ang bulaklak, passion naman ng mister niya ang motor.
Rated R
ni Rommel Gonzales