MALAPIT nang bumalik ng Amerika ang most awarded Internet Lady Personality na isa ring mahusay na musician na si Liza Javier. Nang maka-chat namin ang friendship naming mabait na Diva (Liza) ay kaya mapapaaga ang pagdating niya ng States kasi kasama nang pagtanggap niya ng panibagong award para sa 17th Annual Gawad Amerika Awards ay marami siyang pagkakaabalan rito isa na ang pagra-radyo sa kanyang show at ang pagbisita sa ilan niyang friends na matagal ng mga naninirahan rito at may mga interview at guesting rin si Liza. Huwag din isnabin ang pagiging ilang beses na awardee ng popular DJ-Singer sa Gawad Amerika at this year ay gagawaran siya ng “Mrs Gawad Amerika,” at ang co-awardees niya sa nasabing prestigious award giving bodies ay mga bigatin rin na mula sa showbiz, politics, business world, beauty queen, entertainer, zumba, ballroom at field of television. Ilan sa mga makasabasay ni Liza na tatanggap ng award ang politics couple na sina Mayor Arthur at Congresswoman Florida Robes na parehong malapit sa kanya, also Ms. Jaclyn Jose, Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez. Taong 2002 pala nag-umpisa pamimigay ng parangal ang Gawad Amerika Awards at ang founder nito ay si Mr. Charles Simbulan. “I’d like to thank the people behind Gawad Amerika, especially Sir Charles at every year ay may award ako sa kanila. I consider my awards as big achievements of my career as radio personality and musician. At sa iba pang award giving bodies na napipili akong parangalan love you all and from the bottom of my heart, lahat ng ito ay ite-treasure ko,” sey pa ni Liza na overwhelmed sa natatanggap niyang blessings. Sa August 18, gaganapin ang awards night sa The Center 1145 Burbank Blvd, N Hollywood, CA
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma