Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris, kumambiyo sa sinasabing nahanap na ang ‘the one’ at ‘forever’; Bicolanong lawyer, kaibigan lang

INILI-LINK ngayon si Kris Aquino kay Atty. Gideon Peña, isang Bicolano lawyer.

Nangyari ito matapos magpalitan ng sweet messages sa kani-kanilang social media accounts. At marami ang kinilig na mga follower nila sa mga hugot nila tungkol sa usaping love.

Paano nga ba nagsimula ang magandang relasyon ng dalawa?

Nagsimula ang magandang relasyon ni Kris sa guwapong abogado nang ipagtanggol ni Atty. Gideon ang kanyang amang si Benigno “Ninoy” Aquino laban kay Mocha Uson. Ito ‘yung tungkol sa pagkukompara sa paghalik ng dalawang babaeng kasakay sa eroplano ni Ninoy sa kissing photo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang OFW sa Korea.

Matatandaang nag-post si Kris sa kanyang Instagram account ng isang quote card na may nakasulat na, “Don’t rush into love, because even in fairytales, the happy ending takes place on the last page.”

Sinagot naman ito ni Atty. Peña ng, “True love doesn’t have a happy ending because true love never ends.”

Nag-post din ang abogado sa kanyang IG account ng isang hugot line na, “Sana sa susunod na paglingon ay nariyan ka.” Sagot naman dito ni Tetay, “Atty G – if this is for me, wait lang please – I’m shooting for @samsungph now… but if it’s not – she’s a very lucky girl. (Sorry ha, the original Twitter posts were already sent to me by several people & this now popped up on my phone. Change of setup so I got to check IG).”

Sagot ni Atty. Peña, “It’s just a shout into the void. The things I really mean are sent in private. P.S. Check your viber.”

Sinasabing nag-date na sina Kris at Atty. base na rin sa ipinost na litrato ng Bicolano lawyer na kahit tinakpan ng emojis ang mga mukha ng nasa photo ay halata namang silang dalawa ‘yun ni Kris.

Si Atty. Gideon Peña ay tubong-Legazpi, Albay, kumuha ng Political Science sa UST-Legazpi at nagtapos ng Bachelor of Laws sa Far Eastern University Institute of Law.

Marami ang kinilig sa palitan ng hugot nina Kris at Gideon at ang wish nila sana’y natagpuan na nga ni Kris ang kanyang “the one” at “forever” kay Atty. Gideon.

Samantala, agad namang nilinaw ni Kris ang ukol sa kanila ng Bicolanong lawyer. Aniya, kaibigan lamang niya ang abogado.

“HE’s really a FRIEND – wag na natin gawing complicated…

“He deserves for the World to know he’s available & not interested in me in a romantic way.

“Because he should have option & not be a ‘victim’ of other people;s expectations-hence this reply.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …