Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua de Guzman, sinabing makaRE-relate ang mga OFW sa The Maid in London

FIRST full length film ni Joshua de Guzman ang peliku­lang The Maid in London at masasabing biggest break na rin. Inusisa namin siya sa papel niya sa pelikulang ito na pinagbi­bidahan nina Andi Eigenmann & Matt Evans at mula sa panulat at direksiyon ni Danni Ugali.

Panimula ni Joshua, “Nido po yung name ko rito, TNT din po ako rito. Iyong mga eksena ko po ay sa London lahat. Bale, makikilala po ako nina si Faye (Alexis Navarro) at si Margo (Andi), habang naghahanap ng trabaho.”

Ano ang trabaho mo sa London? Sagot niya, “Paiba-iba po, kasi po mga TNT po kami, eh.”

Sa tingin mo, makaka-relate sa movie ninyo ang mga OFW kahit wala sa London?

Tugon ni Joshua, “Opo, sobra kasing… sa totoo lang, noong nakita ko na po yung movie, actually noong pinna­panood ko po, tumagos po rito eh,” sabay turo sa kanyang dibdib. “Nakaka-touch po yung story, yung story po niya ay talagang iba po yung dating, makaka-relate ka po talaga. Lalo na yung mga OFW na may pamilya, lalo na po sila, talagang makaka-relate. Actually pati yung mga pamilya nila rito, kapag napanood nila itong The Maid In London, malalaman nila yung mga hirap ng mga magulang, asawa o kapatid nila na nasa ibang bansa.”

Ang pelikula ay tumata­lakay sa mga TNT o Tago ng Tago sa London at isa nga rito si Margo, mapagmahal na anak na han­dang gawin ang lahat para sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay. Napilitan siyang magtrabaho sa abroad, matapos ang kanyang mga pangarap sa buhay ay mawasak ng lalaking kanyang minamahal.

Mapapanood na ang The Maid in London sa July 4. Ito’y base sa librong Tago ng Tago ni BL Panganiban. Tampok din dito sina Polo Ravales, Janice Ju­rado, Alexis Navarro, at iba pa. Ang pelikula ay mula sa Cine­manila.UK at Viva Films. Ang producers nito ay sina BL Pa­nganiban, Beth Rees, Steve Rees, Mark O’driscoll, Nhing O’driscoll, at Danni Ugali.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …