Friday , December 27 2024

I don’t think pipiliin n’ya si Ara over me and would take her seriously — Rina Navarro

NA-AMBUSH interview namin si Rina Navarro, ang sinasabing inagawan umano ng BF ni Ara Mina, sa presscon ng MMDA para sa announcement ng unang apat na official entry sa Metro Manila Film Festival.

Ayaw man ni Rina na magpa-interview ay napilit din siya at sinabing hindi niya sasagutin ang tanong na hindi niya feel o hindi maaaring pag-usapan.

Unang tanong ni katotong Rommel Gonzales ay kung totoong hindi na tuloy ang kasal?

Yes of course!” Ang mataas na energy na sagot niya na sinundan ng, “Yes! Sobra,” nang matanong kung masaya siya?

The first month was para akong namamatay everyday. Siyempre masakit ‘yun. The thing is when you wake up na magising ka sa katotohanan at malaman mo ‘yung mga ganoong bagay, magpapasalamat ka sa Diyos kasi it’s more on ‘thank you God that you save me from something.’

“Kumbaga mas mahirap pa ‘yung pagdaraanan ko eh. Kasi kung hindi ko siya nalaman, tuloy-tuloy sila,” paliwanag pa ni Rina nang tanungin kung bakit masaya siya sa kabila ng nangyari sa kanila ng fiancé na si Dave Almarinez, Undersecretary ng Department of Trade and Industry.

Kuwento ni Rina, humingi ng tawad ang fiance niya. “Yes, I believe his apology was sincere.”

“But we are not friends,” giit ni Navarro.

Aminado naman si Navarro na hind naging madali na patawarin ang fiancé niya at hindi ituloy ang kasal.

Hindi madali pareho. Hindi ko itinuloy ang kasal… well, hindi ko alam ang sinasabi ng iba, but I believe that this happen when we we’re so happy. So I don’t want to be with somebody who can cheat on me while we are happy,” sambit pa ni Navarro.

Dagdag pa ng political strategist ni Francis Tolentino, “He will always be the father of my son,” nang tanungin kung may second chance pa o pagkakataong matuloy pa ang kanilang kasal.

Ukol naman sa kung humingi ng tawad si Ara, “well, close door she admitted (pakikipagrelasyon sa kanyang BF), she said, ‘sorry na nalaman mo, I was gonna reveal.’ Wrong timing lang.”

May nagtanong na kung magkasama ba si Ara at dating BF ngayon. “Of course they are not together. I don’t think pipiliin n’ya ‘yun over me. Somebody else na lang.”

Mensahe ni Navarro kay Ara, “I hope masaya ka sa nagawa mo. I’m sorry that this is coming out.

“But the truth is out there. If you’re denying it, so be it.

“I don’t want to judge you but you know the truth!”

Sabi mo inamin naman ni Ara, muling tanong kay Rina. ”Sa akin (close door).”

Nang kumustahin namin ang anak niya, “okey naman ang anak ko. Actually she (Ara) said, ‘kawawa ka naman may six month old baby kayo.”

Actually, ani Rina, iimbitahan pa sana niya si Ara sa binyag ng kanyang anak, subalit nangyari nga ang ganito.

Ukol naman sa kung naramdaman ba niyang kawawa siya, sagot ni Rina, “Now? Actually I’m not kawawa. I don’t want people to see me as kawawa. I want women to see me as, well, strong. I’m only human, siyempre lalaban ka rin. And I think laban means hindi mo naman kailangan siraan ‘yung kalaban mo. You just have to know when to leave.

“I gather the strength to leave,” dagdag pa ni Rina.

Muli naming tinanong si Rina kung nag-sorry ba sa kanya si Ara? At nilinaw niyang hindi nag-sorry sa kanya ang aktres.

Hindi siya nag-sorry,” sambit ni Rina. “Nag-sorry siya na nalaman ko.”

Muling natanong si Rina kung ano ang naging reaksiyon niya nang mag-sorry si Ara na nalaman niya ang pakikipagrelasyon nito sa kanyang fiancé, ito ang isinagot niya, “ay kaya kong ire-in-act. I treated you as a friend, you we’re like a sister to me. You knew that I have a family and mali ‘yung ginawa mo sa akin.

“How did you do that to me?!”

At ang sagot ni Ara, “I’m sorry na nalaman mo. Pero sasabihin ko naman.

Ang reaksiyon dito ni Rina, “para akong mamamatay. Kasi kung sinaktan ko siya at nag-react ako ng hindi maganda ayokong lumabas ng ganoon kasi may pinag-aralan akong tao.

“In fact, ‘pag nadidikit ang pangalan ko sa pangalan niya, I’m not comfortable with that.

“Because I’m not like her.”

Nasabi namin na tatakbo si Ara next year, “if your running for public office, good luck sana manalo ka. And sana magbago ka na.”

Nakilala ni Rina si Ara nang i-recruit niya ito para sa isang women’s organization, “it’s an organization helping women. But the thing is I’m the first victim.”

Matapang na pahabol pa ni Rina, “I don’t think may ex-fiance would really take her seriously.”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *