MALI naman pala iyong sinasabi nilang natakot si Rita Avila kaya inalis niya agad ang isang post na ginawa niya na nagtatanggol sa kanyang pananampalataya. Inalis niya iyon dahil mukhang hindi naintindihan ng ibang tao ang gusto niyang sabihin, pagkatapos binigyan pa iyon ng ibang kahulugan ng mga troll na laban sa gobyerno. Isipin mo nga naman, magagamit pa siya sa politika.
Kaya inalis niya iyon, at ipinaliwanag niya nang mas maganda kung ano ang gusto niyang sabihin. Eh iyong iba naman eh, makahanap lang ng kakampi kahit na mali kino-quote nila.
HATAWAN
ni Ed de Leon