MUNTIK na tayong mahulog sa ating kinauupuan nang mabasa natin ang balita sa pahayagan na hinihinala ‘raw’ ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na mayroong nanabotahe sa kanilang tanggapan kaya pirming may lumalabas na nakahihiyang kapalpakan.
Ugaling immature ang tirada ni Andanar. Kailan ba siya aahon sa estilong kapag napuna ang mga palpak sa kanyang departamento ay biglang naghahanap ng maituturo at masisisi?!
Tsk tsk tsk…
Sa laki ba naman ng budget ng PCOO, napapasukan kayo ng ‘saboteurs?’
Bukod diyan, napakahigpit pa ng seguridad ninyo sa Palasyo, ‘di ba?
Ibig sabihin, delikado pala ang seguridad diyan sa Palasyo, Mr. Andanar, dahil napapasok kayo ng mga ‘saboteurs?!’
Mukhang aral na aral na sa mga kabungguang baso niya si Secretary Andanar?!
Ang liderato ay hindi kayabangan at lalong hindi pataasan ng ihi. Ito ay pagpapakita ng tikas, paninindigan, integridad, humanidad at higit sa lahat kailangang may kakayahang harapin ang ano mang salto o palpak sa kanyang grupo o organisasyon o ahensiya nang hindi kailangang maghanap ng masisisi.
In short, hindi kailangan maghugas ng kamay, at the expense of other people.
Sa matatanda, ang tawag nila sa nangyayari sa tanggapan ninyo Secretary Andanar ay ‘malas.’
At ang payo nila kapag minamalas, magpagpag.
Hindi kaya panahon na para magpagpag ka Secretary Andanar?!
Kaysa naman ikaw ang maipagpag dahil sa kabubuntot kay SAP Bong Go?!
Hind ba, Secretary Andanar?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap