Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PCOO naaning na naman?

MUNTIK na tayong mahulog sa ating kinauupuan nang mabasa natin ang balita sa pahayagan na hinihinala ‘raw’ ni Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na mayroong nanabotahe sa kanilang tanggapan kaya pirming may lumalabas na nakahihiyang kapalpakan.

Ugaling immature ang tirada ni Andanar. Kailan ba siya aahon sa estilong kapag napuna ang mga palpak sa kanyang departamento ay biglang naghahanap ng maituturo at masisisi?!

Tsk tsk tsk…

Sa laki ba naman ng budget ng PCOO, napapasukan kayo ng ‘saboteurs?’

Bukod diyan, napakahigpit pa ng seguridad ninyo sa Palasyo, ‘di ba?

Ibig sabihin, delikado pala ang seguridad diyan sa Palasyo, Mr. Andanar, dahil napapasok kayo ng mga ‘saboteurs?!’

Mukhang aral na aral na sa mga kabungguang baso niya si Secretary Andanar?!

Ang liderato ay hindi kayabangan at lalong hindi pataasan ng ihi. Ito ay pagpapakita ng tikas, paninindigan, integridad, humanidad at higit sa lahat kailangang may kakayahang harapin ang ano mang salto o palpak sa kanyang grupo o organisasyon o ahensiya nang hindi kailangang maghanap ng masisisi.

In short, hindi kailangan maghugas ng kamay, at the expense of other people.

Sa matatanda, ang tawag nila sa nangyayari sa tanggapan ninyo Secretary Andanar ay ‘malas.’

At ang payo nila kapag minamalas, magpag­pag.

Hindi kaya panahon na para magpagpag ka Secretary Andanar?!

Kaysa naman ikaw ang maipagpag dahil sa kabubuntot kay SAP Bong Go?!

Hind ba, Secretary Andanar?!

LACSON PCP
SAMPALOC
BALASAHIN NA!

SUNOD-SUNOD ang natanggap nating sumbong kaugnay sa umano’y pakaang-kaang na mamang pulis sa LACSON PCP sa Sampaloc Maynila.

Ayon sa reklamo napakasarap umaksiyon ng mga pulis sa LACSON PCP dahil halos panay picture-selfie lang raw sa FB ang alam nilang gawin!

Mahusay rin daw ‘pumicture’ ang ilang mamang tulis ‘este pulis ng nasabing PCP.

Biru-biruan nga sa MPD HQ, mahirap raw masita ng LACSON PCP lalo kung may pera ang iyong bulsa dahil tiyak na aakusahan ang motorista na ito’y drug money.

Wattafak!?

Obserbasyon ng ilang opisyal sa MPD ay napakahina ng kontribusyon laban sa krimen at ilegal na droga ng nasabing PCP.

Isa nga raw ito ngayon sa posibleng pasanin ng MPD PS4 na pinamumunuan ng masipag at mahusay na hepe na si P/Supt. Aguirre.

Kahit napakaraming accomplishment agad ni Kernel Aguirre sa kanyang pag-upo bilang hepe ng MPD PS4 ay kapos at halos walang naiambag naman ang PCP Lacson.

Hiling ng masisipag na operatiba ng MPD PS-4 ay balasahin na ni Kernel Aguirre ang nasabing PCP!

By the way, mabilis naman raw umaksiyon ng Lacson PCP kapag 1602 ang kanilang kakapain dahil maganda raw ang ‘kitakits’ todits!?

MIAA EMPLOYEES
NGANGA PA RIN
SA PBB

GOOD am sir, halos 5 weeks na po kami nghihintay i-release ng MIAA finance ang aming PBB. Sabi ng DBM, ang PBB 2018 ay dapat ibigay 1st sa quarter ng 2018.

‘Yun sa amin po ay 2016 pa bkit ayaw po nila ibigay? Kung sino-sino ang itinuturo ng cashier na dahilan. Puro txt pambobola at paasa lang ang union (SMPP) sa amin. Hndi kaya pinaiin­teresan ang pera namin ng mga loan shark diyan sa MIAA finance? Sana po makarating ky Pangulong Digong ang nangyayari sa aming performance base bonus. Maraming salamat po. Pls don’t publish my number. +639175663 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *