Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lance Raymundo at Jana Victoria, nagkakamabutihan?

NAG-CELEBRATE recently ng kanyang birthday si Lance Raymundo. Kabilang sa ilang panauhin ang mga taga-Viva Artist Agency na sina Jana Victoria, singers Hazel Faith, Caleb Santos, ang beauty queen na si Vanessa Wright, Ejercito brothers na sina Jericho & Eric, Marco Hiller­stam, Brendan Banares, Tim McCardle, Chad Alviar, young actresses Brigitte McBride, Zarah Tolentino, Liz Gonzaga, Via Carrillo, at Baby Liong.

Sa Sports, Fitness, Beauty & Wellness world naman ay nandoon ang celebrity make-up artist na si Regina Ray­mundo, Andrew Co of Agico Vegan Cafe, celebrity fitness trainers Zyd Abila & GF Zaneta, Yoga instructor Bot de Leon, Doctor Sharae Lim & basketball player Al Magpayo. At sa business world ay sina Justine Magpayo (Del Monte), Gab Garcia (Philam Life), Philmon Yao (Vans), Mav Zamora (Harley Davidson), Jiz Lim, Rye Uy, Paul Sison, Gen Riobuya, at Mico Lugay.

Inusisa namin si Lance kung ano ang birthday wish niya?

Wika ng singer/actor, “Career wise… my wish is for my new single You Are The One or #YOTA (for short) to be a big hit!”

Kailan ang release ng single mong ito? “Baka by July ang release ng song, then August ‘yung video. Kasi sa July 21 and 22 pa ‘yung shooting ng video,” saad ni Lance.

Totoo ba na si Jana Victoria ang special guest mo noong birthday mo? “Yes… Jana is my very special guest!” Pakli ni Lance.

Paano kung magkatsismis na nagkakamabutihan or kayo na ni Jana, ano ang magiging reaction mo?

“Okay lang naman kung matsismis kami ni Jana, kasi, enjoy naman kami with each other’s company, e” tugon ni Lance.

Bukod sa Brigada Eskwela na tumatayo si Lance na isa sa ambassador ng DepEd at sa single niyang ito para sa Viva na siya mismo ang nag-com­pose, pinaghahandaan din niya ang bago niyang play titled Veronidia na pamama­halaan ng batikang actor/director na si Lou Veloso at gaganapin sa bu­buksang Sta. Ana Center for Arts. Makakasama niya rito ang classical singer na si Rare Columna at ayon kay Lance, ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya, so far.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …