Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, ‘di nakapagpigil, bagong baby, nai-social media agad

SI James Yap mismo ang hindi nakapagpigil ng kanyang kaligayahan at inilabas agad sa social media account niya ang panganganak ng kanyang girlfriend na si Michela Cazzola. Sinasabing isinilang ang baby girl nilang si Francesca Michelle sa timbang na 5.5 pounds, at talagang napakasuwerteng isinilang pa kasabay ng pista ng Mother of Perpetual Help sa Baclaran noong Miyerkoles.

Ngayon masasabi ngang kompleto na talaga ang kanilang pamilya, dahil lalaki ang kanilang panganay na si MJ na two years old na ngayon.

Siguro sinasabi nga nila, ang kasunod naman nating maririnig ay ang pagpapakasal nina James at Michela. Dalaga naman si Michela at si James ay wala na rin namang sabit na legal. Isa pa, pareho naman silang Katoliko at kung magpapakasal sila, malamang na sa simbahan iyan. Siguro naman ngayong alam na nila na talagang sila na nga, hindi nila gagawing magpakasal sa tabi-tabi lang at kung kaninong pastor na hindi naman nila kilala.

Kasi sa nangyayari naman sa buhay nina James at Michela ngayon, masasabi mong ang pagsasama nila ay haban,buhay na. Wala kang makikitang problema. Wala kang makikitang napilitan lang sa relasyon. Talagang in love si James kay Michela, at ang dalaga naman ay ganoon din sa boyfriend niya. Aprub na aprub ang pamilya ni James kay Michela. At nang puntahan naman nila ang pamilya ni Michela sa Italya, sinasabing ang mga iyon ay kasundo at pabor na pabor din kay James. Ibig sabihin nagkakaisa ang kanilang pamilya sa kanilang relasyon.

Iyan ang kaligayahan na hindi matutumbasan ng kahit na gaano karaming pera, at kahit na ano pang klase ng kayamanan, legal man o ill gotten wealth din. Kaya naman kung napansin ninyo, hindi na pinapansin ni James kung ano man ang mga patutsadang naririnig niya. Eh bakit pa nga ba niya papansinin iyon eh maligayang-maligaya na siya sa kanyang buhay ngayon.

Basta buo na ang pamilya mo, at masaya kayo, pabayaan mo na ano man ang sabihin nila. Iyan namang mga mahilig sa patutsada, iyan ang mga taong hindi maligaya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …