Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jay Sonza
Jay Sonza

Parinig ni Jay, ‘di pinatulan nina Arnold, Kiara, Joseph, at Joel

MALAKAS ang aming gut feel o kutob na may balidong dahilan kung bakit nana­natiling tahimik o non-reactive ang mga binan­sagang bagitong reporter ni Jay Sonza na taga-GMA.

Apat kasi sa kanila—Arnold Clavio, Kara David, Joseph Morong, at Joel Zobel—ang tahasang sinabihan ng laos na broadcaster ng, ”bastos, walang modo, at walang breeding.”

“Respeto na lang ‘yon sa isang may-edad na,” ang naulinigan nga naming opinyon ng isang GMA news insider na nag-validate ng aming kutob.

Pero ang higit na dahilan ng ‘di na pagpatol ng apat na nabanggit ay may kinalaman kay Mel Tiangco. Teka, ano nga ba ang konek ni Mel kay Jay?

Dating magka-tandem ang dalawa sa programang Mel & Jay noon sa ABS-CBN. Dahil kapwa nila kinasuhan ang nasabing TV network kung kaya’t napadpad si Tita Mel sa GMA samantalang wala namang sumalo kay Jay.

Ilang taon na rin ang binibilang ni Tita Mel sa GMA, pinamamahalaan pa niya ang Kapuso Foundation nito. Through the years ay natural lang na lumalim na rin ang pakikipagkaibigan niya—beyond work—kina Arnold et al.

May mga lumutang pang tsismis noon na higit din daw sa pagiging mag-co-host ang namagitan kina Mel at Jay. Kung totoo man ito, anuman siyempre ang tanggaping batikos ni Jay, kahit paano’y apektado rin si Mel (and vice versa).

Paggalang sa may-edad na kapwa. Respeto rin sa tinatawag na ethics of journalism. At pagtingin na lang kay Mel ang isinasaalang-alang ng apat na ‘yon para palampasin na lang ang banat mula sa isang kabarong tila walang pinagkatandaan.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …