IDOLO ni Pong Idusora, magaling na balladeer mula Palawan sina Martin Nieverra, Gary Valenciano, atOgie Alcasid kaya gusto niyang makasama ang mga ito sa isang konsiyerto.
Subalit ultimate dream naman niyang maka-duet si Regine Velasquez na sobra-sobra niyang hinahangaan.
Ito ang inilahad ni Pong nang ilunsad ang kanyang single na ‘Di Kita Ipagpapalit mula sa Lodi Records na pinamahalaan ni Blank Tape noong Sabado sa K.O. Bar sa Fairview.
Mula Palawan si Pong na ang ‘Di Kita Ipagpapalit ay kuwento mula sa sarili niyang karanasan.
Kaya naman mismong si Pong ang nagsulat ng awiting ito. Minsan na rin kasing umibig ngunit iniwan siya ng kaniyang minahal. At kahit anuman ang nangyari, hindi niya ipagpapalit ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.
Ani Pong, tamang- tama ang awitin niya sa mga taong nagmahal at nasaktan. At in fairness, maganda ang melody at madaling tandaan ang lyrics.
Nasa digital market na ang single niyang ‘Di Kita Ipagpapalit at puwede nang mabili sa Spotify, Itunes, Amazon music at iba pa.
Pinatutugtog na rin ito sa ilang radio stations dito sa Maynila at kalapit lugar. Patok na patok din ang awiting ito sa Palawan bilang si Pong ay tagaroon.
Natutuwa si Pong dahil ganoon na lamang ang suportang ipinakikita sa kanya ng kanyang mga kababayan.
Nagsimula ang career ni Pong nang may nakapansin sa kanya habang kumakanta ng live sa Facebook. Pawang mga komposisyon pa ni Pong ang kinakanta niya.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio