MASAYANG ipinagdiwang ni Emma Cordero ang kanyang 35th year sa showbiz, pati ang kanyang kaarawan. Ginanap ito sa isang show sa Ka Freddie’s Music Lounge at kabilang mismo si Freddie sa special guest. Napanood dito sina Mar Lopez, Michelle Takahashi, at iba pang special guest ni Ms. Emma.
Ano ang comment niya sa special na okasyong ito?
Saad ni Ms. Emma, “Masaya, nag-enjoy ako, talagang binigyan ko talaga ng tamang time na makasama ko kayo. Masayang masaya ako lalo na nakasama ako sa late night with Ka Freddie Aguilar. Kasi, last two years pa namin iyon plano na magkaroon kami ng event dito. Parang get together ng lahat ng mga sikat noon, mga matagal nang ‘di nagsasama-sama sa celebration, ganoon.
“So at least ngayon, pagkakataon na matupad na ‘yun, nangyari na. Kasi that time, pinag-usapan namin nina Charlie Lozo, e nawala na siya, sabi ko siguro ngayon masaya na siya na kahit wala siya, nagkaroon ng katuparan ito.
“Tapos si Freddie, 40 years nang Anak, anniversary niya, so sabi ko napakasaya… na gusto ko rin mag-support sa kanya – na icon natin, idol ko rin siya. So masaya ako ngayon na talagang binigyan kami ng time na mag-celebrate nang kakaiba itong birthday ko. Hangga’t mag-celebrate ako sa Japan, tapos lately, somewhere rito. Tapos sa 27 mayroon akong US, hanggang doon, tapos hanggang July 6 ito. Balik ko sa Japan is July 8 na, aalis ako sa 24 dito. Then, sa 27 punta akong LA, two days ang show ko roon. Tapos sa Las Vegas up to 29 to July 6. Kaya sabi nga nila, ang aga naman ng celebration ng birthday ko, kasi nag-start ako ng June 10 sa Japan. Sabi ko ang aga, e walang magagawa e talagang ‘yun ang gusto nila.”
Dagdag ni Ms. Emma, “Kaya sana every year mag-celebrate ako sa Japan, sa Samar… sana maging ganoon ang takbo, na kasama ko kayong mga taga-media na nandiyan, nagsu-support. Sana lang, hinihiling ko lang na ‘yung advocacy ko sa pagtulong ko ng mga bata sa education nila, tuloy-tuloy, saka ‘yung mga natutulungan ko, magsumikap din sila at ‘pag naging succesful na sila, tumulong din sila sa iba, ‘yun lang ang wish ko.
Ano ang birthday wish niya, “Na sana lumaki pa ang school ko, ang Our Lady Of Fatima sa San Pedro School. Ang foundation ko, sana lumaki pa at marami pang mag-support, marami pang makakilala at marami pang matulungan na bata. Tapos hindi lang ‘yung from nursery to grade 6, hanggang college kasi ang tinutulungan namin. So hangga’t nagtayo ako ng World Class Excellenship award, ‘yan ay grupo ng international media, international performers at ‘yung sa charity work, Lion’s Club International, para naman ‘yung mga succesful na saka ‘yung hindi pa, magsama-sama, ibig sabihin, isang world na magtulungan, walang mahirap, walang mayaman, tayo ay pare-parehas na tao lamang,” aniya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio