NAGBUBUNYI ang showbiz sa balitang nanumbalik na ang sigla ni direk Carlo J. Caparas sa pagtatrabaho.
Nagsisilbing assistant director (AD) si direk Carlo J sa pagdidirehe ng kanilang anak ng pumanaw na kabiyak na si Tita Donna Villa na si Peach.
Debut movie kasi ng 25-anyos nilang anak—na nagtapos ng kursong Political Science—ang The Chiong Sisters Case sa kinasangkutan nilang gangrape at pagkakapaslang. Tubong-Cebu ang pamilya Chiong, ang native province rin ni Tita Donna.
Kilalang ang tatak-Carlo J ay ang mga pelikulang may temang masaker. At muli itong bumabalik sa pamamagitan ng pagdidirehe ni Peach na katuwang ang kanyang ama.
Masaya kami kahit ‘ika nga’y umaasiste lang si direk Carlo. Senyales kasi ito na handa na niyang haraping muli ang pagtatrabaho na pinili niyang talikuran nang pumanaw si Tita Donna noong January 2017.
Kabilang sa mga crime movies na idinirehe niya noon na halaw sa mga celebrated cases ay ang Vizconde Massacre (na Parts 1 and 2), Myrna Diones Story, Delia Maga Story, among others.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III