Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers

DATI, ang serbisyo ng tubig sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan ang pinakamainam at pinakamalinis sa buong Bulacan.

Malakas, malinis at tama ang presyo bawat cubic meter (cm3).

Bago lumawak ang serbisyo ng San Jose del Monte Water District, ang mga residente sa Poblacion, Gaya-gaya, Paradise, Robes, Muzon, Dulong Bayan, Sapang Palay Proper, Sapang Palay Resettlement Area, at Minuyan, ay pawang umaasa sa balon (bukal), poso, at ilog.

Pero sabi nga, patuloy ang pag-unlad kaya dumating ang panahon na nagkaroon ng serbisyo ng tubig sa bawat tahanan.

Malaking kaluwagan sa trabahong-bahay at kahalagahan sa kalusugan ang pagkaka­roon ng tubig na umaagos sa gripo sa bawat tahanan.

Ilang panahon at ilang dekadang maayos ang serbisyo ng tubig sa CSJDM. Isang batayang pangangailangan na pinaniniwalaang hindi nababalasubas o nabababoy ng politika.

Hanggang biglang pumasok ang isang joint venture agreement (JVA) sa CSJDM Water District — ‘yan ang Prime Water.

(Sa susunod natin tatalakayin kung paano nakapasok ang Prime Water. Sino-sino ang nagsabwatan at nakinabang para makapasok ito).

Heto na, wala umanong magbabago sa serbisyo ng tubig sa CSJDM sa ilalim ng Prime Water maging ang presyo kada cm3.

Pero hindi ito nagkatotoo.

Maaaring walang nagbago sa presyo pero ang tulo ng tubig, kung dating laging maaasahan, ngayon laging wala.

Wala, wala as in wala talaga!

Kung magkaroon man, malakas pa ang ihi ng kabayo at ang kulay ng tubig, konti na lang, mukhang iced tea na.

Hindi nga nagtaas ang singil kompara sa mga naunang bill na 30 araw na may tulo ang gripo. Pero ang dapat na tanong, hindi nga nagtaas ng singil, pero ilang araw naman nagkaroon ng tulo sa gripo?!

Sa kasalukuyan, ang Prime Water ay daki­lang prehuwisyo sa araw-araw na pamu­mu­hay ng mga taga-San Jose del Monte, ganoon din sa iba’t ibang business establishments.

Kung kailan ito matatapos, ‘yan ang hindi alam ng mga consumer.

May hakbang na bang ginagawa ang mga CSJDM consumers?!

Abangan!

PRIME WATER
PALPAK DIN
SA VILLAR
SUBDIVISIONS

ALAM ba ninyong ang Prime water ay pag-aari ng pamilya Villar?

At alam ba ninyong palpak ang serbisyo ng Prime Water sa iba’t ibang Villar subdivisions sa iba’t ibang panig ng bansa?

Hindi siguro ito alam ng mga taga-CSJDM Water District  kaya maluwag na nakapasok ang Prime Water.

Ganoon nga ba?!

Talakayin natin sa mga susunod na araw kung paano nakapasok ang Prime Water ng mga Villar sa City of San Jose del Monte, Bulacan.

Abangan pa more!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *