Friday , November 15 2024

2017 COA audit report: P26-M winaldas ng PCG sa pagbili ng generators

NABISTO ng Com­mission on Audit (COA) ang nawaldas na pondo sa pagbili ng 17-power generators ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa inilabas na 2017 audit report ng COA, nadiskubre ang pagbili ng PCG sa 17-power generators na dalawang taon nang hindi pinaki­kinabangan.

Taong 2016 pa nabili ng PCG ang 17 piraso ng generators na KVA Taizhou Fengde Model 281 na binayaran sa halagang P26,079,545.30.

Ayon sa state auditors ng COA, hindi nagagamit hanggang ngayon ang 17-generators mula nang mai-deliver at mahigit isang taon na ay nakatambak lang sa headquarters at district offices ng PCG.

Napag-alaman na hindi pala gumagana kaya’t hindi nagagamit ang mga nabiling generators.

Sabi sa report ng COA, hindi magamit ng PCG ang mga nabiling aparatus dahil wala pala ang mga kaukulang piyesa para mapagana ito.

Wala ang installation pads at wirings kaya’t ang nakatenggang generators na ulanin at arawin ay kinakalawang na at posibleng pagkagastahan pa para ipinakompuni.

Karagdagang pagsasayang na naman ng pondo ng bayan ang mangyayari kapag ginas­tosan ang pagpapakompuni ng generators, sabi ng COA.

Paano reresponde ang PCG sakaling may mangyaring aberya kung ‘di naman pala gumagana ang nabili nilang generators?

Ano pa ang silbi ng PCG para magbantay sa mga karagatan kung ni generator ay wala sila?

Bakit binili pa ng PCG ang generators kung hindi naman pala nila magagamit?

Isa lang ang ibig sabihin niyan kaya binili ang generators…para pagkakitaan!

PCOO, MISMANAGED

SABOTAHE raw ang posibleng dahilan, ayon kay Sec. Martin Andanar, sa walang katapusang pagkakalat ng kahihiyan at paglalako ng katangahan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayaw pa umamin ni Andanar na mis­managed ang PCOO dahil lang sa palpak niyang liderato.

Imposible naman yatang masabotahe ng mga kalaban ang PCOO kung ang pagpili at pagsibak ng mga tauhan ay nasa kapangyarihan ni Andanar?

Ang hinala ni Andanar ay imahinasyon lang niya at posible lang maging totoo kung may basbas niya ang pananabotahe.

Talaga nga palang mas bagay na Presidential Mismanagement and Miscommunications Office (PMMO) ang itawag sa PCOO na notorious pagdating sa pagpapalaganap ng maling impormasyon.

Si Andanar at ang PCOO ay malaking kahihiyan (disgrace) din sa pagkakaimbento ng social media.

SI SIR ‘UTOG’
SA LTFRB

NAHAHARAP sa kaso ng pangmomolestiya sa ilang empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) si Chairman Martin Delgra III sa Office of the Ombudsman.

Ito ay base sa reklamong sexual harassment laban kay Delgra na isinumite ng LTFRB Employees Association.

Una nang napaulat ang sumbong na pangmomolestiya ng isang “Sir Utog” sa dalawang babaeng empleyado ng LTFRB.

May napanood tayong video sa socmed na may isang grupo na kinabibilangan ng umano’y mataaas na LTFRB official ang nakuhaang nagsasayaw ng “budot” sa Boracay.

Ang hindi lang natin tiyak, kung si Delgra at ang Sir Utog sa LTFRB na mistulang baliw na nagbubudot sa Boracay ay iisa.

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *