NAGSIMULA na kahapon si Judy Ann Santos ng taping ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Starla. Ito bale ang kauna-unahang teleserye ng aktres pagkatapos ng mahigit limang taong hindi pag-arte sa telebisyon.
Kahapon, kasabay ng pag-aanunsiyo ng pagbabalik-teleserye ang pagpo-post ng kanyang sequence guide para sa unang araw ng taping.
Ipinakita rin ng batang Superstar ang bagong hitsura niya bilang si Teresa. “@officialjuday: Hey teresa! :&þ #starla haircut by “the” @jingmonis styled by @jeffreyaromin makeup by @randygabinmakeup.”
Ang Starla ay ididirehe ni Onet Diaz at magtatampok din kina Joem Bascon, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Meryll Soriano, Gabe Mercado, Simon Ibarra, Bodjie Pascua, Joel Saracho, Janus del Prado, at Joel Torre.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio