Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-Sen. Bong Revilla binalagoong sa hoyo?

NAKIKISIMPATIYA tayo sa kalagayan ngayon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.. na apat na taon nang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City.

Ang ipinagtataka natin dito, lahat ng mga kasabay ni Revilla na nakulong dahil sa P10-bilyong pork barrel fund scam ay nakalaya na, pero siya hanggang ngayon ay nasa Camp Crame pa.

Nang mai-post nga sa kanyang Facebook account ang kanyang pagkainip at pagkabugnot na mayroong larawan na siya ay mukhang nawalan na ng pag-asang makalabas pa, bigla pang naging isyu kung bakit mayroon siyang cellphone sa loob.

Maagap itong sinagot ni Rep. Lani Mercado na responsibilidad umano ng admin ng Facebook account ni Revilla ang nasabing post at hindi totoong may cellphone ang kanyang asawa sa loob. Luma na raw ‘yung retrato.

Mukhang mahigpit ang mga ‘bantay’ ni ex-Sen. Bong. Lahat ng kilos niya ay binabantayan  at hindi siya maaaring makalusot.

Isa pang tingin natin, mukhang nangamote ang dating abogado ni ex-Senator Bong mabuti na lamang at pinalitan na niya.

Hindi kaya panahon na upang pagtuunan ng Sandiganbayan ang kasong ito ni ex-Senator Bong?!

Sabi nga, justice delayed is justice denied.

At mukhang matagal nang dinaranas ni ex-Senator Bong ang kalagayang ‘yan.

Kung mahaba pa ang itatakbo ng kaso, bakit hindi hayaang makapaghain ng piyansa ang dating senador?!

Tutal naman, pinayagan nang maghain ng piyansa ang mga kasabayan niya sa hoyo.

Kailangan bang mag-imbento ng ‘sakit’ para paunlakan ang kanyang petisyon ng dating mambabatas?!

O kailangan bang iumpog sa pader ni Revilla ang kanyang ulo at ito’y magdugo bago pan­sinin ng Sandiganbayan ang petisyon ng ka­nilang kampo?!

Palagay natin ‘e hindi pa huli ang lahat para muling repasohin ang petisyon ng dating Senador.

Hind pa huli ang lahat para payagan siyang makapiling ang kanyang pamilya habang hinaharap ang asunto laban sa kanya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *