BIGLA na namang nabuhay ang isyung ‘tanim-bala’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
‘Yan ay matapos i-post sa social media ng isang pasahero na nakitaan ng bala sa kanyang pitaka. Itinatanggi ng pasahero na kanya ang bala.
Ngunit nang balikan ang recording ng CCTV camera, aba, kitang-kita na nandoon talaga sa kanyang pitaka ang bala.
Mga kababayan, maging responsable sa pagpo-post sa social media dahil ang ating bansa ang nasisira.
Huwag maging sinungaling dahil kawawa naman ang mga tao o empleyadong maaapektohan.
Sa hanay ng NAIA personnel, kapag may nakitang bala sa x-ray, hayaan ninyong ang pasahero ang magbukas ng kanilang gamit at ipakita ninyo sa x-ray kung saang bahagi ng kanilang bagahe nakita. Nang sa gayon ay maiwasan ang mga bintang na nabuhay na naman ang tanim-bala sa NAIA.
Alalahanin ninyo na nandiyan kayo para protektahan ang NAIA at ang mga pasahero pero alalahanin din na hindi dapat masira ang kredebilidad ninyo.
Careful, careful!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap