Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mocha Uson Martin Andanar
Mocha Uson Martin Andanar

Mocha, ‘di marendahan ni Andanar

NAKIKITAAN naming ng irony ang latest assertion o pahayag ni Kris Aquino na kakampi niya ang media hinggil sa cyber war nila ni Mocha Uson.

Kung ang mga DDS o tagasuporta ni Digong siyempre ang tatanungin ay na kay Mocha ang kanilang panig.

Pero mukhang ang government media bureau na ito ay hindi kasama sa sinasabi ni Kris na kampi sa kanya.

For one, ang kalihim nitong si Martin Andanar ay hindi nga marendahan ang subordinate lang niyang si Mocha, na ang laging ikinakatwirang palusot, labas ang PCOO sa anuman ang mga ipino-post niya sa kanyang social media account.

Personal blog daw ‘yung mga tirade niya kay Kris, at hindi reflective ng ahensiya. So, ibig sabihin, ginagamit ni Mocha ang social media para isulong ang kanyang personal na interes.

Samakatwid, ano pala ang silbi niya bilang ASec, ang magdulot ng kahihiyan sa isang tanggapan na ang mandato ay magpalaganap ng wastong impormasyon sa mga mamamayan?

So, dual pala kung ganoon ang pagkatao ni Mocha?

Sec. Andanar should resolve Mocha’s conflict within her character. Pero sad to say, kahit ang mga “shared criticism” sa mga kapalpakan ng PCOO ay si Mocha lang ang sumasangga.

Sorry to say this pero sa plantilya lang may silbi si Martin. May “item” lang siya sa gobyerno pero nakagapos naman ang kanyang mga kamay sa pagpapabayang tutukan ang kanyang mga tauhan tulad ni Mocha.

Maanong irekomenda niya sa mga malalapit kay Digong para ibulong na hindi maituturing na asset ang kanyang ini-appoint kundi isang malinaw na liability?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …