Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jackie Ejercito, walang planong pasukin ang politika

GRABE ang iling ni Jackie Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada at MARE Chairperson at pageant director ng Miss Manila nang tanungin kung may plano ba siyang tumakbong mayor ng Manila o kongresista.

Aniya, ni hindi niya naiisip ang pasukin ang politika. Ang sa kanya’y mapatakbong mabuti ang MARE Foundation na marami ang natutulungan at ang suportahan ang mga proyekto ng kanyang Mayor daddy, at isa nga rito ang Miss Manila.

Sa ngayon ay nasa ikalimang taon na ang Miss Manila na 32 naggagandahang Manileña ang naglalaban-laban para makuha ang korona at tanghaling Miss Manila 2018.

Ang Search For Miss Manila ay beauty pageant para sa mga kababaihan na residente ng Maynila. Proyekto ito ni Manila City Mayor Joseph Estrada at ng MARE, ang foundation ni dating First Lady at Senator Dra. Loi Ejercito.

Ipinarada noong Martes sa Manila Hotel Centennial Hall A ang 32 beauties na siyang magtutunggali para makuha ang P1-M worth of prizes (P500,000 cash plus Viva Management contract worth P500,000) para sa Miss Manila; P350,000 sa First Runner-Up; P250,000 sa Second

Runner-Up; P150,000 cash sa Third Runner-Up; at P100,000 sa Fourth Runner-Up.

Ang Miss Manila 2018 ay handog ng City of Manila, MARE Foundation, at Viva Live na hindi lamang woman of beauty ang hanap para makuha ang korona pero kailangang nagtataglay ng empowerment, personifies social awareness, at embodies a true Manilena withy grace, passion, at optimism

Ang Grand Coronation Night ay magaganap sa Hunyo 26, 8:00 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC), Reception Hall at mapapanood sa July 1 sa ABS-CBN’s Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Ang 32 mga kandidata ay binubuo nina Esel Mae pabillaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Juliee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo, Paulina Labayo, Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerett Gaston, Lois Sta Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Joanna Day, Angelique Mae Santos, Kathleen Joy Paton, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Coloso, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.

Samantala, buong pagmamalaki namang inihayag ni Jewel May Lobaton, Project Coordinator ng Miss Manila na marami silang natutulungan sa pagsasagawa ng Miss Manila tulong na rin ng MARE Foundation.

Aniya, sa limang taong pagsasagawa ng Miss Manila, marami silang nagawang tulong lalo na sa mga nanga­ngailangan o mahihirap.

“Matagum­pay din ang mga proyekto ng MARE Foundation sa pamumuno ni Miss Jackie Ejercito, were doing a lot of feeding programs, medical missions.

“It also supported the kidney transplants sector and dialysis center, there is also a livelihood program for the residents of Manila who need that. There are scholarships by Mare Foundation and some medical assistants.

“Without Mare Foundation and influence of our friends who become the sponsors for the past five years, we could not do this. We are very grateful for this program, Miss Manila and the press, thank you very much. We’re very grateful, hindi po kayo nagsasawa sa amin. And we wish to see you again every year,” sambit ni Lobaton.

Sambit pa ni Lobaton, “The Miss Manila is doing there part in helping Miss Jackie and we are all doing a great part in making a difference in Manila.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …