Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrew Gan, happy sa Kambal Karibal

MASAYA ang Kapuso actor na si Andrew Gan sa pagiging bahagi niya ng casts ng TV series na Kambal Karibal ng GMA-7. Inusisa namin si Andrew sa ginagampanang papel sa seryeng tinatampukna nina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Pauline Mendoza, at iba pa.

“Ang papel ko po rito ay si Danton, isang private investi­gator siya ni Sunshine (Dizon). Pinaglalaban niya kasi na makuha iyong anak niya from Carmina Villaroel. So parang semi-kontrabida kami rito, e. Pero hindi pa malinaw tito,” saad ni Andrew.

Ano ang na-feel mo na nakasali ka sa project na ito ng GMA-7?

Tugon niya, “Sobrang blessed tito. Kasi sa rami ng mga artista, sa akin naibigay. It’s from God, Kaya happy ako, sobra at napakabait pa ng pro­duction.”

Samantala, mapapanood din si Andrew sa peliku­lang White Knight, tampok dito sina Mon Confiado, Lovely Abella, Leo Martinez, ang Hollywood actor na si Lev Gorn, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala ng American director na si Gregory Segal.

Nabanggit niya ang role sa naturang pelikula. “Ako po si Tito Vasquez sa movie, ka-team ko rito sina Kuya Mon and Tita Mosang. Pulis po kami rito, pero kami ‘yung magka-buddy talaga ni Kuya Mon. Ang genre po ng movie ay action, drama, sus­pense-thriller. Ang producer po nito ay mga American din at mayroon ding isang local producer.”

Ano ang masasabi mo sa inyong American director? “Actually, first time ko pong magtrabaho sa isang foreign director, medyo mabusisi siya pero in a way na gusto niya, small lang ‘yung acting. In a way, gusto niya na mas more on plain lang ‘yung facial expression, pero dapat ramdam pa rin iyong emotions.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …