Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Tambay’ man may karapatang pantao pa rin

MATAPOS ang kontrobersiyal na ‘tokhang’ umaa­rangkada naman ngayon ang pagsakote sa mga ‘tambay.’

Dapat daw disiplinahin ang mga tambay na hindi marunong sumunod kahit sa mga ordinansa ng munisipalidad o lungsod. Wala naman tayong pagtutol dito.

Pero ang ipinagtataka natin, bakit buong puwersa yata ng NCRPO ang rumaratsada sa mga tambay?

Ibig sabihin, bakit pulis ang dumidisiplina sa mga tambay?!

Ano ang silbi ng barangay at ng mga barangay tanod kung ang simpleng pagpapayapa sa bawat maliliit na komunidad ay iniaasa sa pulis?!

Ang daming trabaho ng mga pulis at mismong ang maraming mamamayan ay nagrereklamo dahil sa kakulangan mga pulis na maaari nilang hingan ng tulong sa oras ng panga­ngai­langan.

Ang dami ngang pulis na kapos ang kaka­yahan sa pag-iimbestiga ng mga kaso, kaya ang daming unsolved cases. Imbes paghabulin sila ng mga tambay, dapat sanayin sila sa gawaing imbestigasyon.

Ang mga tambay ay hindi naman armado. Karamihan nga sa kanila ay ‘yung mga out-of-school youth na hindi makapag-aral dahil kapos ang mga magulang. Hindi rin makapaghanap ng trabaho kasi nga kapos sa pinag-aralan.

E kung dadamputin ng mga pulis ang mga tambay na ‘yan lalo ang mga kabataan, lalo nang nagkaletse-letse ang kinabukasan kapag nagkaroon sila ng record sa pulisya.

Nagtataka tuloy tayo kung bakit ba gigil na gigil ang administrasyong ito sa mga tambay?! Na-bully kaya sila ng mga tambay  noong kaba­taan nila, kaya ngayon ay gigil na gigil sila sa mga tambay?!

Anyway, totoo man ‘yan o hindi, ang dapat gawin ng administrasyon ngayon ay i-delegate nang tama ang gawaing-pampamahalaan sa mga ahensiya o yunit ng pamahalaan na dapat gumanap nito.

Higit sa lahat, hindi dapat kalimutan ng mga opisyal ng pamahalaan na tambay man ay may karapatang pantao rin sila bilang proteksiyon.

Kung ‘yung mga aso at pusang kalye nga ay protektado ng Animal Welfare Act (Republic Act 8485) ‘yun pa kayang mga tao na tinatawag nilang tambay?!

Ay sus!

WELCOME MPD
DD GEN. ROLANDO
ANDUYAN!

KAMAKALAWA ng gabi, nabalitaan natin na napadaan umano si Pangulong Rodrigo Duterte diyan sa United Nations Avenue at nakita ang mga ‘nakagaraheng’ sasakyan kaya agad inatasan ang bagong talagang Manila Police District (MPD) director na si Gen. Rolando Anduyan na linisin ang ‘illegal terminal’ sa nasabing kalsada.

Agad namang tumalima si Gen. Anduyan at ipina­tawag ang kanyang mga opisyal para awtomatikong linisin ang UN Ave.

Aba, kinabukasan, nagulat mismo ang mga duma­raan sa UN Ave., dahil maluwag at tuloy-tuloy ang daloy ng mga sasakyan.

Kaya naman, maraming pinabilib si Gen. Anduyan.

Kumbaga, dalawang linggo pa lang si General, e ramdam na siya ng mga taga-MPD.

Marami nga palang mga motor at sasakyan ang naipaalis ni Gen. Anduyan sa nasabing tila ‘illegal terminal.’

Ibig sabihin, overstaying na mga sasakyan na hindi na yata binalikan ng mga may-ari.

Kaya hayun, biglang umaliwalas ang kapaligiran ng MPD.

Congratulations po, Gen. Anduyan!

BTW, para po tuluyang maging malinis at maaliwalas ang inyong kapaligiran General, e paalisin n’yo na rin ang mga overstaying na opisyal lalo na ‘yung mga wala namang naiambag sa intelligence work ng MPD kasi puro intelihensiya lang ang iniintindi.

Ituloy po ninyo ang paglilinis sa MPD, General!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *