Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Oro at Azenith, pinagpiyestahan muna, magbabati rin naman

NAKATUTUWA pero naka­tatawa rin ang pagbabati sa wakas ng magkaibigang sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones. Naganap ito sa magkahiwalay na phone patch interview sa kanila nitong Biyernes sa showbiz program ng katotong Morly Alinio sa DZRH.

Nagsimula bilang blind item hanggang sa pinangalanan na sina Elizabeth at Azenith bilang magkaibigang nagkasira nang dahil sa alahas.

Lumantad na ang kuwento tungkol sa hikaw at singsing na nagkakahalagang P150,000 na ipinabebenta ni Oro kay Azenith. Pero kinuha itong muli ni Oro mula sa bag ng huli nang hindi man lang nagsabi.

Naganap ang insidente nang magsama ang dalawa sa isang kompromiso sa General Santos City noong Abril.

Hindi na nga itutuloy ni Oro ang balak na demanda dahil sa akusasyon ni Azenith na isa siyang magnanakaw, kahit hawak ng huli ang CCTV na magpapatunay sa kanyang alegasyon.

Ang maganda sa nasabing pagkakasundo ng dalawa, isa na lang kasamahan ni Oro sa showbiz ang kailangan niyang “aregluhin.”

For the longest time—sa ‘di namin tiyak na dahilan—ay warla-warla sila ni Tetchie Agbayani. Kapwa nagpapa-sexy noon sina Tetchie (na naging pabalat pa ng German edition ng Playboy Magazine) at Oro. Nag-level up nga lang ang dalawa pagdating ng panahon.

Ang alam nami’y nasa healing o panggagamot si Oro sa ngayon. Tahimik ang kanyang pribadong buhay.

Samantala, biyuda na si Azenith dahil yumao ang kanyang asawa sa sunog sa Resorts World Manila noong isang taon. Pero may-kaya siya sa San Pablo, Laguna.

At ito ang nakatatawang bahagi ng pagbabati nina Oro at Azenith—ganoon din pala at magkakapatawaran sila, bakit kailangan pang pagpiyestahan ang kanilang kaso sa media?

On their own ba’y hindi sila maaaring magbati? Why the need for media intervention?

(RONNIE CARRASCO III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …