Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
PCOO ASec. Mocha Uson answers the question of Senator Bam Aquino at the Senate hearing on Fake news yesterday 10/04/2017. Photo by Geremy Pintolo

Mocha, halatang binubuwisit na lang si Kris Aquino

MALINAW na pambu­-buwisit na lang ang ginagawa ni Mocha Uson kay Kris Aquino sa serye ng mga ipino-post niya sa kanyang Facebook page.

Nasundan nito lang ng post na “bureaucratic misfit” na ito after ng panlilibak niya sa mga magulang ni Kris.

Ito ‘yung hinalukay na video noon ni Kris patungkol sa dating asawang si James Yap. Nasa baul pa rin kasi ng alaala ang minsang sinambit ni Kris na umiyak lang daw siya ay makukuha niya ang simpatya ng madlang pipol bilang plus point niya over James.

Kung hindi paninirya (at paninira) ang tawag sa ginagawang ‘yon ni Mocha, wala na kaming maapuhap na tamang termino para ilarawan ‘yon.

Pero kung kami kay Kris, dahil maituturing na Strike 3 na ito, ay huwag na lang niya itong pansinin at pag-aksayahan ng panahon.

Higit sa lahat, this latest post has nothing to do with Kris’ either deceased parent. Tungkol na ito sa pagiging “gimikera” ni Kris ayon sa perception ni Mocha sa kanya.

Baka nga ikatuwa pa ni Kris ang pagiging resourceful o maparaan ni Mocha sa paghahanap ng mga lumang video materials para lang magtagumpay sa kanyang pang-iinis kay Kris.

Knowing Kris, anumang bagay na may kaugnayan kay James (o sa bago nitong pamilya) ay wala na siyang pakialam.

More than ever, ang mahalaga sa kanya ay ang kanyang dalawang anak.

Pero bilib din naman kami sa nakaupo pa ring ASec ng PCOO. Daig pa niya ang nag-apply ng tone-toneladang foundation.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …