Monday , November 18 2024

Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, parang aso’t pusa!

MUKHANG mayroon na namang hindi pagkakau­nawaan sina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Obvious kasi sa mga kasagutan ni Kris na mayroon na naman silang pinagdaraanan ng mabait na mayor ng Kyusi sa press conference ng pelikulang I Love You Hater, that was held in ABS CBN’s Dolphy Theater last Monday evening.

In attendance rin ang co-stars niyang sina Joshua Garcia at Julia Barretto, along with their director Giselle Andres.

Sa tanong na kung agree ba sila sa kasa­bihang “the more you love, the more you hate, matalinghaga ang kasagutan ni Krizzy.

“When you’re still capable of hating someone you once love,” she asseverated, “that means there is still love.

“Pero kapag deadmabels ka na o care bels ka na sa buhay niya, that means naubos na ‘yung love.”

Isang malakas na tunog ng panghihinayang ang sabay-sabay na naging reaksiyon ng fans na dumalo sa press conference.

“Bago kayo mag-react, I still care about him.”

Ang tinutuoy raw niyang wala na siyang weather ay ang tatay ni Bimb.

“Pero kung saan tayo nakatayo ngayon, kung saan ang ABS-CBN, he can still make me hate him, so that means I still have feelings for him.”

Sa katanungang how did love and hate figure in her life so far, “You don’t let hatred win. That’s the number one lesson I’ve learned.

“If they can still let you to have that emotion of hatred, then they’ve won.

“That was a process, ha? na you have to know kung sino talaga ang enemy and choose your battles carefully.”

Sa pagpapatawad naman, ito ang kanyang point of view.

“Ang forgiveness is a gift you give yourself,” she said as an after thought. “Forgiveness is not because that person ever said I’m sorry.

“Forgiveness is not also because minahal ka ng taong ‘yun.

“But forgiveness comes because inireregalo mo sa sarili mo dahil mabigat mabuhay na mayroon kang sama ng loob, lalo na sa minahal at mahal mo.

“I think that’s what I learned. You don’t have to hear the words ‘I’m sorry’ in order for you to forgive.

“I can forgive even if you don’t say sorry, huwag n’yo lang palabasin na ako ang sinungaling.”

Sa kanyang succeeding statement, it could be easily conjectured that she was obviously referring to Mayor Herbert.

“I said ano, nasabi ko na, ‘Kaya kong i-give up ang pagiging Kris Aquino para sa iyo yet kulang pa rin iyan para sa iyo.’

“Sabi ko, ‘If the man never says sorry, kung si President Duterte nagpaabot sa akin ng sorry, bakit ikaw, hindi ka nag-I’m sorry sa akin?’

“Then, he said to me, ‘Mag-usap tayo nang harapan.’ And I said, ‘Para ano pa?’”

At this point, her co-actors Joshua and Julia made mention about the word closure.

“Sa movie, may closure. Sa totoong buhay, hindi ibinibigay sa iyo ang closure.

“Siguro until now, may galit. Siguro until now, nagagalit kasi nga nagmahal.”

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *