MUKHA ngang all set na sila, manganganak na si Ellen Adarna sa isang private na Chinese hospital sa Mandaue. Mabuti nga roon at malayo, hindi sila mapakikialaman ng press doon. Pero knowing them, hindi sila kailangang pakialaman ng press. Baka oras na manganak iyang si Ellen siya pa ang unang-unang maglabas niyon sa kanyang social media account. Lahat naman ng pinag-uusapan ngayon nanggagaling lang sa social media post nila eh. Kung sabihin mong susundan talaga sila kagaya noong araw, hindi na mangyayari ang ganoon.
Kaya lang naman nasusundan ang kuwentong iyan, mas maganda na iyan dahil at least lehitimong balita kaysa naman sa nagsusulat ka lang ng puro press release.
HATAWAN
ni Ed de Leon