Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Phoebe Walker, wish makasali sa Pedro Penduko ni James Reid

SA launching ng pelikulang Pedro Penduko na tatampukan ni James Reid, nakapanayam namin si Phoebe Walker na nagsilbing host sa naturang okasyon. Kinu­musta namin siya sa pinagkakaa­ba­lahan niyang pro­ject ngayon.

Saad ni Phoebe, “May upcoming movie po, I play the role of Allison sa To Love Some Buddy with Zanjoe (Maru­do) and Maja (Salvador) po under Star Cinema. Maliit lang na role pero kahit paaano ay importante ‘yung character. And will be shooting some­thing soon po, pero secret muna,” na­kata­wang wika niya.

“Tapos siyem­pre po ‘yung Araw Gabi nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Ako po rito ‘yung anak ni Velestina played by Ms. Vina Morales, heiress to Casa de Alegre na kahati sina Adrian (JM) sa El Paraiso.”

Idinagdag ng tisay na Viva talent na sobrang excited niya nang unang na-meet si Vina. “Si Ms. Vina po noong una, sobrang excited ko to meet her let alone do a scene. Sinabi ko pa when I met her noong story-con na I used to watch her tandem with Mr. Robin Padilla even when I was still living in Hong Kong. ‘Yung Miss na Miss kita, Utol Kong Hoodlum!

“So actually, isa si Ms. Vina sa nilo-look-up ko na artista and I feel so honored na I play her daughter in this show. Malaking karangalan sa akin na papasa kaming magnanay, hahaha!”

Nabanggit din ni Phoebe na nakatakda nilang simulan ang season-2 ng Tabi Po para sa Cignal Cable.

So, nalilinya ka tala­ga sa horror? “Oo nga po, horror na naman. Kasi bukod sa Tabi Po, iyong kay Coco (Martin) na Ang Panday ay manananggal ako, tapos sa Seklusyon ay madre. Pero okay lang po, personally I don’t mind, pero sana ay magka­roon din ako ng super hero character.”

Kung sakaling kunin ka rito sa Pedro Penduko ni James Reid, game ka ba?

Mabilis na sagot ni Phoebe, “Opo, sobrang okay sa akin… sana po ang character ko ay ‘yung challenging, ‘yung mas may depth na medyo plays an important part sa movie. Iyong maidadagdag ko sa work ko po na talagang nagkaroon ako ng role na nagmarka.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …