MASAYA ang actor/model na si Ced Torrecarion sa pag-aalaga sa kanyang showbiz career ng Powerhouse, Arte. Halos one year pa lang si Ced dito at kontento siya sa nangyayari sa kanyang pagbabalik-showbiz.
“Ngayon, I’m with Powerhouse, Arte, ‘yung mga owners kasama si Ibyang, Ms. Sylvia Sanchez, sila Bobby Causela, Corie Criste, Smokey Manaloto, Tita Anna Goma… Maganda kasi sa Powerhouse, they treat everybody equal, no superstars as they treat their artists as family. Kasi karamihan sa amin character actors, e,” nakangiting saad ni Ced.
Aniya, “Thank God, everything’s doing well. Before I started I still had mga five endorsements, TV commercials, and abroad. Then I’m doing… kasi I was an international model so ‘yon, aside ‘to from doing my day job with Ram’s Travel, ‘coz now I’m the Operation’s Manager of Ram’s Travel and Executive Consultant to the Vice President for RDL, kay Merce Lim. So, ‘yun ang ginagawa ko.”
Si Ced ay nagsimula sa showbiz bilang member ng Star Circle Batch-9, kasama niya rito sina Heart Evangelista, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at iba pa. Actually, bago siya naging Kapamilya artist noon ay sumabak muna si Ced bilang commercial model, at saka nalinya sa paggawa ng pelikula at TV show.
Una siyang napanood sa youth oriented TV series ng Dos na Tabing Ilog, tapos ay sa Labs ko si Babe at iba pang shows. Nakagawa rin siya ng pelikula at sumabak sa ilang stage play. Recently, gumanap si Ced bilang isang NBI agent sa seryeng Blood Sisters ni Erich Gonzales. Nakatakda rin niyang pagbidahan ang stage play na Parable of The Lost Sheep sa Baguio na gaganap siya bilang Jesus Christ.
Sinong artista ang gusto niyang sundan ang yapak? Sagot niya, “Si Joel Torre, kasi hindi siya showbiz, e. Isa pang hinahangaan ko ay si Tito Lou Veloso, one of my mentors. Si Tito Lou kasi, napakasimpleng tao niyan.
“Pero the one na sasabihin ko ha, for me, cause he started talagang nag-extra-extra siya… So, for me, isa sa mga tinitingala ko ngayon, si Rodel. I call him Rodel kasi that’s how I met him, si Coco Martin. Extra pa siya noon, ngayon bida na siya, producer, direktor. Bilib ako kasi alam niya kung saan siya nanggaling and he’s helping people, he’s helping our industry, ‘yung mga artistang walang trabaho, nabibigyan niya ng trabaho,” wika ni Ced na idinagdag na sina Edu Manzano, Gabby Concepcion, Dante Rivero, at Eddie Garcia sa mga hinahangaan niya.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio