Sunday , January 12 2025
Movies Cinema

Mga festival na pang-indie, ‘di kumikita

ANG Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamaraming film festivals. Nakalulungkot lang isipin na iisang festival naman ang kumikita, at tinatangkilik ng publiko, ang taunang Metro Manila Film Festival, na sa aminin man nila o hindi, sinimulan iyan noong 1975 na panahon pa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. In fact, isang batas na ginawa ni Marcos ang lumikha ng festival na iyan. Siyempre hindi nila mapayagan iyan, nagkaroon ng credit grab, kaya nagpagawa sila ng isang bagong executive order na ang nilalaman ay ganoon din naman.

Noong panahon din ni Marcos, ginawa ang kauna-unahang Manila International Film Festival, kung kailan inilabas ang mga pelikulang Filipino, kahanay ng mga pinakamalalaking pelikulang dayuhan. Dumating pa nang personal dito ang sikat na sikat noong si Brooke Shields, at si Franco Nero. May mga dumating pang ibang mga artista at kinikilalang mga director at producers. Iyon ang sinasabing pinakamalaking film festival noon sa buong Asya.

Eh ngayon, iyang napakaraming film festivals na iyan ay ginagamit lamang para mapilitan ang mga sinehan na ipalabas ang mga pelikulang indie na hindi makakuha ng commercial playdate dahil wala namang gustong manood ng mga pelikula nila. Ang daming festival, puro indie, wala namang kumikita kahit na isa man lang sa kanila.

Marami sa mga pelikula nila, straight to TV, o straight to video na lang ang drama. Walang mailabas sa mga sinehan dahil walang manonood. Paano, ni wala silang promo kundi nagtitiyaga lamang sila sa social media, particularly ang Facebook. Eh sira naman ang kredito ng social media dahil sa fake news. Iniisip tuloy ng iba, basta nasa social media, fake film din iyan.

Wala eh, iyong MMFF pinakialaman din nila, bumagsak din naman. Pakitain muna nila ang isa man lang sa mga napakarami nilang festivals para maniwala kami sa kanila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Keempee de Leon Joey de Leon

Keempee at Joey nagkaiyakan, nagkapatawaran 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGAL nang hindi nag-uusap sina Keempee de Leon at ama Joey …

Kathryn Bernardo Mommy Min

Kathryn madamdamin mensahe sa ina

MATABILni John Fontanilla EMOSYONAL ang mensahe ni Kathryn Bernardo sa pagseselebra ng kaarawan ng kanyang …

Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan …

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *