Monday , November 25 2024

Male talent, iti-next si direk — Wala akong pinatulang iba

TINAWAGAN kami ni direk at nangumbida na mag-coffee talk daw. Ok lang naman sa amin dahil doon naman sa coffee shop na tambayan namin talaga. Nakikiusap din si direk, huwag na daw naming i-blind item dito sa Hataw iyong isa niyang male talent na naging lover din niya.

Ipinakita niya sa amin ang text message niyon na ang sinasabi, ”hindi naman ako pumatol sa iba, sa iyo lang. Walang nakagagalaw sa akin kundi ang misis ko at ikaw lang. Hindi naman ako call boy. Ginagawa ko naman kung ano ang makakaya ko kung nagkikita tayo. Siguro nga kung minsan hindi nasusulit ang pagod mo at pera mo, pero ginagawa ko naman ang makakaya ko. Bakit naman nasulat pa sa ‘Hataw’ pati iyong mga picture natin,” sabi ng male star sa text.

Mukhang si direk naman, hanggang ngayon in love pa rin sa male star, kaya sige na lang hindi na namin iba-blind item ang relasyon nila. Ang laman lang naman ng blind item namin ngayon iyong text ng male star sa kanya. Hindi ang tungkol sa kanilang relasyon, at mga picture, at video.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Lustre

Nadine unfair awayin sa ineendosong produkto

HATAWANni Ed de Leon HINDI maganda ang feedback kay Nadine Lustre na nag-promote ng on line gaming …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *