Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LizQuen, more than friends na

HINDI pa namin kompirmado ang usap-usapang more than friends na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Ito ay ayon na rin sa nasagap naming tiktak ng ilang kabaklaang manunulat sa isang kumpulan.

Obvious na obvious naman ang sobrang closeness na ng dalawa ayon na rin sa mga nakikita nating social media post ng dalawa sa kani-kanilang accounts. Hindi na friendship lang ang namamagitan sa LizQuen kundi more than and deeper kind of friendship na raw?

Well, whatever it is, dapat parehong i-enjoy ng dalawa ang kani-kanilang buhay at magandang relasyon dahil wala namang masama rito.

Alam naman natin kung gaano rin ka-professional ang dalawa sa kani-kanilang commitments kaya walang hassle. Kahit sa taping nila ng teleseryeng Bagani bilang dalawang bida ay kitang-kita na ang love, love, love sa dalawa at sa totoo lang, kinikilig din ako dahil bagay na bagay silang dalawa.

That’s what love can do! Sa totoo lang! Gow LizQuen!

REALITY BITES
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …