BILIB din naman kami sa tindi ng sikmura mayroon si Mocha Uson.
Hindi pa kasi nakuntento noong lapastanganin niya ang yumao nang si dating Senator Benigno Aguino, umarya na naman siya lashing at the latter’s wife, ang pumanaw na ring si dating Pangulong Cory Aquino.
Muli, Mocha took to her social media account.
Ngayon ay higit nating abangan ang bibitiwang salita ni Kris Aquino na isa pang move mula kay Mocha ay mayroon itong kalalagyan. Hindi pa ba Strike 2 si Mocha?
Kung tutuusin, kung talagang may utak si Mocha, nagbabasa rin lang siya ng mga law books (without necessarily digesting kung ano ang nilalaman ng mga ‘yon), dapat ay alam niya na maaari siyang sumabit sa libel.
Hindi lang kasi sa buhay (as in living) ka puwedeng ihabla ng libel, kundi maging sa taong nahihimlay na (may linya sa definition ng libel sa Revised Penal Code na “blacken the memory of the dead” or something).
Kinukuwestiyon tuloy namin ang kuwalipikasyon ni Mocha na itinalaga bilang katuwang ni Martin Andanar saPCOO. Kay Martin ay walang kuwestiyon dahil dati naman siyang kagawad ng media, may alam siya sa mga batas tungkol sa ethics ng pamamahayag.
Obviously, salat sa kaalaman si Mocha dahil kung mayroon man lang siya ni katiting na kaalaman ay hindi siya magpo-post ng mga kung ano-anong kasiraan laban sa kanyang kapwa, worse, laban sa mga taong hindi naman basta-basta.
Walang magandang nagagawa si Mocha sa ahensiya, this she should realize herself kung sarado ang kanyang mga tenga sa obserbasyon ng mas nakararami.
Therefore, isa lang ang nakikita naming solusyon: magbitiw na siya kaysa maghasik pa siya lalong kahihiyan!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III