UMAABOT sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong hinihinalang drug pushers makaraan arestohin sa buy-bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Northern Police District director, si C/Supt. Gregorio Lim ang arestadong mga suspek na sina Jonalyn Tayao, 28, Roman Mariano, 28, top 1 at top 2 sa drug watchlist ng Brgy. 59, at Noraisa Lumabao, 48, pawang ng Asero St., Muntilupa City.
Ayon kay Caloocan police chief, S/Supt. Restituto Arcanghel, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU), sa pangunguna ni S/Insp. Cecilio Tomas, Jr., ang buy-bust operation sa sa loob ng isang bahay sa 123 8th Avenue, Daang Bakal St., Brgy. 59, dakong 6:30 pm makaraan matanggap ang ulat hinggil sa pagtutulak ng ilegal na droga ng mga suspek.
(ROMMEL SALES)