Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall herbal products

Mga patotoo sa kagalingan ng Krystall Herbal products

Dear Sis Fely Guy Ong,

Magandang araw po sa inyo. Ako po si Shir­ley Cuntapay, taga-Cainta Rizal, 50 years old.

Sumulat po ako sa inyo upang ibabahagi ang karanasan ko tungkol sa kalusugan at kung paano napagaling ng inyong produkto na Krystall.

Ang una ko pong ipapatotoo, ang aking anak ay nagkaroon ng pangangati sa balat at namu­mula, nagbubutlig at hindi po namin malaman kung ano ang naging dahilan na bigla lang pong nagsisilabasan.

Ang ginawa niya uminom siya kaagad ng gamot sa botika at tatlong araw na, hindi pa rin gumagaling at wala pa rin ipinagbago. Hindi man lang nabawasan ang pamumula at ang ka­ti kaya ang ginawa ko naisipan ko iyong pro­dukto ninyo.

Agad akong tumawag sa office ninyo at nagtanong kung ano ang maigagamot at itinuro din naman ng nakausap ko. Sinunod ko kaagad iyon at ako ay nagtungo agad sa clinic ninyo at bumili ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs at pinag-CPC ko siya. Pinaiwas ko na rin po siya sa bawal na pagkain na malalansa tulad ng itlog, manok at iba pa.

Pangalawang inom lang niya ng gamot ay nakitaan na agad ng pababago. Umimpis na ang pamumula at hindi na siya masyadong na­nga­ngati. Dalawang araw lang niyang ininom ang gamot niya ay talagang magaling na.

Sa tulong ng inyong produkto, ako ay naniniwala na marami pang malulunasan dahil sa napakabisa ng inyong herbal products.

Pangalawa, ako ay nagkatrangkaso dahil po siguro sa sobrang pagod ko sa aking trabaho at minsan ay hindi maiwasan na makaligo sa gabi.

Iyon pala ay mali na gawin ko dahil puwede pala akong ma-stroke.

Noong nilalagnat na ako, uminom ako ng Krystall Yellow Tablet, Krystall Nature Herbs at noong bumaba na ang body temperature, ako ay nag-soaking at saka nagpahaplos ng Krystall Herbal Oil sa buong katawan at pagkatapos kong haplosan, ako ay nakatulog.

Pagkagising ko ay parang walang nangyari dahil napakagaan ng aking pakiramdam. Ako ay tuluyan nang gumaling. Sa ngayon ay patuloy pa rin ako gumagamit ng inyong produkto lalo na po ang Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs at Krystall Vit. B1B6.

Iyon na po ginagamit naming maintenance for prevention.

Maraming, maraming salamat…

Nagpapasalamat
SHIRLEY CUNTAPAY

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …