HINDI lang pala sa dubsmash at hosting maasahan si Maine Mendoza at may career din pala siya sa pagkanta na puwedeng maging recording artist in the near future. Yes noong Sabado sa pagpapatuloy ng Dabarkads concert series with the Broadway Boys na kinabibilangan nina Francis Aglabtin, Benedict Aboyme, Joshua Torino at Joshua Lumbao, kinanta nila ang ilang hits ni late Karen Carpenters.
Hindi man professional singer ay may timbre ang boses ni Maine at wagi pa ang performance niya sa Twitter world na humamig ng more than 1 million tweets. Well, nauna nang kumanta si Maine sa themesong ng movie nila ni Alden Richards pero si Alden nga ang nakilala bilang singer at hindi malayong ma-penetrate rin ang career na ito ng loveteam.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma