Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, kabi-kabila ang mga endorsement, TV at movie project

PAGKATAPOS mabigyan ng award ni Nick Vera Perez bilang NVP Philippines’ Most Outstanding Performers 2018, gawin ang bagong endorsement na Famous Belgian Waffle, at ang skin light baby soap, isa pang endorsement ang haharapin nina Kikay Mikay bukod pa sa pelikulang Tales of Dahlia at Susi.

Ang Tales of Dahlia ay isang fantasy-action-comedy na mula sa Fil Dreamers Production  at idinirehe niMoises Lapid. Tampok dito sina Lotlot de Leon, Martin Escudero, at Garry Lim. Ang Susi naman ay mula sapamamahala ni Direk Baui Arthur handog ng Tagumpay Production.

Sa Tales of Dhalia, ang role ni Kikay ay si Star at si Mikay naman ay si Tala. Kambal silang dalawa rito at sobrang happy nila dahil kabilang sila sa main cast sa movie.

Ani Kikay, ”Happy po kami na maging fairy sa movie na ito at makatrabaho si Direk Moises. Mabait po siya at talagang inaalalayan kami ni Mikay, kaya mas confident kami habang nagsu-shooting.”

“Masarap pong maging fairy at enjoy kami sa shooting nito. Isa po ito sa biggest break din namin ni Kikay dahil maganda talaga ang role namin ditto,” sambit naman ni Mikay.

Gaganap naman si Kikay sa Susi bilang isang batang mahirap na nangangalakal ng basura para maka-survive sa hirap ng buhay ang kanyang pamilya. Samantalang si Mikay ay mayamang bata na lahat ng karangyaan ay nasa kanya.

Sa June 24 ang premiere night ng Tales of Dahlia.

Samantala, naikuwento naman ng ina ni Kikay na si Mommy Diane na mayroon pang hinihintay na pelikula ang dalawa. Iyon ay mula sa production ni Baby Go na si Direk Louie  Ignacio ang mamamahala kung hindi kami nagkakamali.  

“May upcoming MTV shoot din sila kay Direk Baui sa music video ng nanalo sa Tanghalan ng Kampeon, at kasali rin sina Kikay at Mikay sa ‘Bee Happy Go Lucky’ sa Channel 21 na weekly TV show na may dancing at singing din po na parang ‘That’s Entertainment’ style,” pagbabalita pa ni Mommy Diane.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …