AMINADO si James Reid na isang karangalan para sa kanya ang gumanap bilang Pedro Penduko sa pelikula dahil isa ito sa mga paboritong Pinoy superhero ng mga manonood. Excited na raw siya para sa naturang pelikula na ayon sa aktor ay kakaiba sa mga naunang version ng Pedro Penduko.
“I’m very honored to play a Filipino super-hero, I’m very nervous din, iba ‘yung story nito sa past Pedro Penduko… Actualy, it’s just not a superhero movie, it has social relevance,” saad ni James.
Unang gumanap na Pedro Penduko si Efren Reyes Sr., sumunod sina Ramon Zamora, Janno Gibbs, at Matt Evans.
Posibleng mapanood ang Pedro Penduko sa last quarter ng 2018. At bilang paghahanda, nag-aaral ng martial arts si Reid para sa matitinding eksena.
Ang karakter ni James ay nilagyan ng modern twist na nagre-redefine at para maging relevant superheroes para sa kasalukuyang henerasyon.
Ang nasabing proyekto ay sa pakikipagkaisa ng gumawa ng Pedro Penduko, isang Filipino comic book character na binuo ni National Artist for Literature Francisco V. Coching, maisasabuhay na ito at mas mabibigyan ng magandang kulay. Nakipagsosyo ang Epik Studios sa Viva Entertainment at Cignal TV para gumawa ng mahigit 50 ordinary comic book characters para mas mapalapit sa puso ng mga Pinoy na mahilig sa Kuwentong Bayan.
Napili si James para magbida sa Pedro Penduko, isang ordinaryong Pinoy na handang labanan ang masasamang espiritu sa tulong ng agimat.
Ang Cignal TV ang maghahandog ng Pedro Penduko at ng iba pang nakapangingilabot na karakter sa pamamagitan ng pelikula at serye. Sila rin ang mamamahagi nito sa iba’t ibang klase ng platform tulad ng DTH, IPTV, OTT at iba pa. Ang partnership ay hanggang sa paghahatid din ng video entertainment dahil nag-venture rin sila sa merchandising at gaming.
Samantala, marami pang nakalinyang proyekto ang Epik Studios para maihatid muli ang iba pang istorya ng folk heroes tulad nina Bernardo Carpio, Maria Makiling, at iba pa. At tiyak ito’y mabibigyan ng bagong mukha at hitsura dahil sa mga batang nobelista at animator.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio